Hindi ko mapigilan ang mapangiti habang pinagmamasdan ang mukha ko sa malaking salamin ng washroom. Dito ako dumeretso pagkatapos ng klase namin, may date kami ni Hero kaya aayusan ko ang sarili ko para hindi naman niya pagsisihan ang pagyaya sa akin. Ngunit ilang minuto na akong nakatitig, hindi parin ako nagsisimula. Hindi ko parin makalimutan ang nangyari kanina. Hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa rin ang kilig sa pag amin na ginawa ni Hero. Hindi iyon trip trip lang, alam ko at ramdam ko na nagsasabi siya ng totoo."Oo nagseselos ako"
"OH my God!" Tumili ako. Kanina ko pa talaga gustong ilabas ang sayang nararamdaman ko, hindi ko lang magawa dahil ayokong mapansin ng dalawa kong kaibigan.
"Mahal niya ako" sambit ko. Kahit hindi man direktang sinabi ng binata, nakakasigurado na ako sa bagay na 'yan. Ramdam ko 'yon sa mga tingin at titig na inuukol niya sa akin.
Nagsimula kong ayusan ang sarili ko, tinanggal ko sa pagkakatirintas ang mahaba kong buhok at hinayaan bumagsak iyon. Nagretouch din ako sa mukha ko pero hindi tulad ng madalas kung gawin, light lang ang pinahid ko na foundation pati na rin sa kunwari pekas sa mukha ko. Inayos ko din ang kilay ko. Gusto ko maging maganda sa paningin ni Hero kahit ngayong araw lang. Kinuha ko ang paborito kong lipstic na ilang buwan ko din hindi nagamit, ipapahid ko na sana iyon sa labi ko pero nahinto ng may maalala. 'Yung titig ni Hero, naalala ko kung paano niya titigan ang labi ko kanina. Kaya imbes na ipahid ang lipstic, sinarado ko nalang iyon at ibinalik sa pouch. Hinayaan ko ang natural na kulay ng labi ko. Kissable pa rin naman iyon, kaya nga adik na adik si Hero.
Charr!
Kasalukuyan ko ng binabalik ang mga makeup ko sa bag ng may dalawang babae ang pumasok. Dumeretso ang isa sa cubicle samantalang tumabi naman sa akin 'yung isa.
"Ang pogi talaga ni Hero 'no?" Sabi nu'ng babaeng tumabi sa akin "Ang laki ng dala niyang boquet ng bulaklak. Ang swerte naman ng nililigawan niya. Sana ako nalang"
"May nililigawan ba siya?" Tanong nu'ng nasa cubicle. "Akala ko ba friends lang sila nu'ng babaeng pangit na hinalikan niya. 'Yung katulong kila mayor"
"Hindi iyon. Ano ka ba! Ang chaka ng mukha no'n paano magugustuhan ni Hero 'yon? Si Catherine Fabian ang nililigawan niya, hindi mo alam?"
"Si Catherine?" Narinig ko ang pagflash ng toilet. "Hindi ba engaged na 'yon?"
"Oo engaged siya. Pero iyon ang chismis na nililigawan daw siya ni Hero. Take note matagal na, hindi lang masyadong bulgar kasi baka malaman ni William"
Lumabas na 'yung isang babae sa cubicle at tumabi sa kasama. Nagretouch din ang mga ito, samantalang tahimik lang akong nakikinig sa usapan nila.
"Eh paano 'yun kapag naging sila? Magbrebreak din sila kasi nakapangako si Catherine kay William"
"Ewan ko ba, basta iyon ang chismis. Pero kung totoo man 'yun, sana mauntong si Hero para marealize niya na hindi na sila pwede si Catherine. At sana mapansin niya ako para ako nalang ang ligawan niya"
"Wag ka ng dumagdag sa mga feelingera girl. Masaksaktan ka lang!"
"Tsk! Halika na nga, baka malate pa—opps!" Hindi na natuloy ng babae ang sasabihin ng makita ako. Nakilala niya siguro na ako ang babaeng sinabihan niyang chaka ang pagmumukha "Hi"
Binati niya ako saka nagmadaling umalis. Sinundan ko nalang ng tingin ang repleksyon nila sa salamin. Pasalamat sila at good mood ako kaya hindi sila nakatikim sa akin. Dumagdag pa sa magandang mood ko ang malamang may bulaklak na dala si Hero. Malakas ang kutob ko na para sa akin ang bulakalak na 'iyon. Ako lang naman ang kadate niya. Ako at hindi si Catherine.

BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
JugendliteraturEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...