Maaga akong nagising kaya naman umagang umaga palang ay nasa garden na ako. May sakit daw ang hardinerong si Mang Ben kaya ako ang nagpresintang magdilig ng mga halaman. Ito ang unang pagkakataon na magdidilig ako sa malaking hardin kaya aminado akong nahihirapan ako, pero sa tuwing makikita ko naman ang magagandang bulaklak sa harapan ko, namomotivate ako.
Malawak at maganda ang garden ng mga Robles. Sa sobrang lawak ay hindi ko na matanaw ang main gate at guard house mula sa kinaroroonan ko. Ang kapaligiran ay napapaligiran ng magagandang halaman na hitik na hitik sa bulaklak. Sa ilalim ng mga puno ay nakalagay ang mga upuan na sinadya upang may mapagpahingaan. Sa gitna naman nakatayo ang napakagandang fountain na binabahayan ng naggagandahan ang mga isda.
Gusto ko pa sanang aliwin ang sarili ko sa pagtanaw sa paligid pero pinigil ko muna, ito ang unang araw ko sa trabaho kaya dapat magpakitang gilas ako. Isa pa, nangako si aling Murin na itotour niya ako sa buong hacienda kapag may free time siya. Doon ko nalang iaapreciate ang magandang kapaligiran.
Natapos ko ng diligan ang mga halaman sa gilid ng swimming pool kaya lumipat ako ng pwesto. May narinig akong makina ng motor pero hindi ko iyon pinansin.
"HOY BABAE!" Narinig kong tawag kaya lumingon ako. At sa paglingon ko isang pamilyar na impakto este isang pamilyar na lalaki ang bumungad sa paningin ko. Nakatayo siya sa likod ko at kulang nalang kainin niya ako sa sama ng tingin niya.
What the hell is this guy doing here? Pati ba naman dito sinusundan niya ako?
"BULLSHIT!" Napamura siya sa hindi ko malaman na dahilan pagtapos tumingin siya sa bandang ibaba niya at doon ko lang napansin na basa na siya. Yes, nabasa ko siya. Hindi ko pa kasi napapatay ang hose ng umikot ako.
"What are you doing here?" Pero instead na magsorry, mataray kong tinanong sa kanya iyon.
"At ikaw anong ginagawa mo dito?" Hindi parin nagbabago expression ng mukha niya. Tinitigan niya ako ng masama na ginantihan ko naman, gusto niya makipagtitigan ha? Pwes hindi ko siya uurungan! Pagbibigyan ko siya!
''Sinusundan mo ba ako?'' Tanong ko sa kaniya.
Naggrin siya tapos sinabi niyang ''Ang kapal mo din 'no?''
Inirapan ko siya. Tsk! Yabang!
''Nananadya ka ba talaga? Pagkatapos sa bahay ko dito naman?''
Medyo naguluhan ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin do'n? Bakit sino ba siya sa bahay na ito?
Tiningnan ko siya from head to toe. Kung titingnan siya ngayon mukha naman siyang mabuting istudyante dahil sa white polo shirt na suot niya then black slacks and black and shiny shoes. Then maganda din ang ayos ng buhok. At yung mukha niya hindi naman masama. Mukha lang siyang bagong gisi-- Okey aaminin ko na, Ang gwapo niya ngayon. Mas gwapo siya compared kahapon. But I wonder who's this guy? Bakit siya nandito sa mansyon? Anak kaya ni Mayora? But kung anak siya, bakit siya nakahiwalay? Not to mention na may sarili siyang bahay malayo layo dito.
Tinaasan ko lang siya ng kilay pagkatapos tinalikuran. Aaminin ko medyo kinabahan ako sa isiping anak nga siya ni Mayora. Paano pala talaga kung isa siyang Robles? At kaya siya nakahiwalay ng bahay kasi may asawa na siya? Na hindi naman imposible kasi nasa tamang edad na siya. Paano pala kung totoo lahat iyon? Yari ako! mapapalayas na naman ako!
Pero sayang siya gwapo pa naman, nag asawa agad ts!
''And where do you think you're going?'' Walang kaamor amor niyang tanong. Dahan dahan naman akong lumingon at nginitian siya ng plastic. Kailangan ko munang magpakabait sa harap niya hangga't hindi ko pa alam kung sino siya sa bahay na ito. Pero mukhang nahihirapan akong gawin iyon dahil makita ko lang pagmumukha niya kumukulo na agad dugo ko.
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Fiksi RemajaEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...