Kabanata 13

585 20 8
                                    


"Bakit kasi kasama pa ako" pag aalburotong bulong ko habang nilalandas ang daan patungo sa kwadra. Bitbit ko ang mga pagkaing ipinahanda ng magkapatid kanina dahil maghohorse backriding daw sila. Wala sanang problema iyon, ang hindi ko lang talaga maiintindihan bakit pati ako ay isasama nila sa paglilibot sa rancho. Hindi ba sila makaalis ng walang katulong na kasama?

"My God!" Nanghina ako ng makitang tirik na tirik ang araw sa labas, alas dies palang ng umaga pero grabe na ang init ng araw. Feeling ko tuloy mangingitim parin ako sa suot kong jacket at pajama.

"Señorita, dala ko na ang lahat ng pinapahanda niyo" Sabi ko kay Wendy ng makarating ako sa kwadra, naabutan ko siya na naghahandang sumakay sa puting kabayo na hawak ni Hero.

"Mabuti naman at dumating ka na, kanina ka pa namin inaantay" kasabay ng sagot niya ang pagsampa niya sa kabayo. "Ibigay mo nalang iyan kay Hero, siya na ang bahalang magbitbit diyan"

Matapos patakbuhin ang kabayo ay bumalin ako kay Hero na nakakunot ang noong nakatingin sa akin.

"Bakit ganyan ka makatingin?"

"Ano iyang suot mo? Mangagabayo tayo, hindi matutulog"

"Alam ko" mabilis na sagot ko. Lumapit ako sa kanya at inabot ang basket "Sheild 'to para hindi ako mangitim. Sayang naman ang limang taon kong paggamit ng kojic at pagtatake ng gluta kong pagpapaaraw lang ako"

Tinitigan niya ako gamit ang hindi maipintang mukha.

"Charot, ito naman hindi mabiro" Tumawa ako sa nakitang reaksyon sa kanya "Ano na, abutin mo na ito ng makasampa na ako sa kabayo! Aba't nangangalay na ako dito!"

"Sa akin ka sasabay?"

"At kanino mo ako gustong sumabay? Sa impaktong William na 'yon?" pinaikot ko ang mata sa ere "Gusto ko pang mabuhay"

"Sa akin ka nalang sumabay" Sabay kami napalingon ni Hero sa may ari ng boses. Isang pamilyar na lalaking nakakabayo ang papalapit sa amin kasunod si William. Kung hindi lang ako nabigla sa lalaking kaharap ko, malamang nakatago na ako sa likuran ni Hero dahil sa sama ng tingin ni William sa akin "If you don't mind"

"Ikaw 'yung..."

"Do you know her Lemuel?" Tanong ni William. Sinundan nito ng tingin ang kabababa lang na binata.

"Yup. I met her in Manila. Bigla siyang humarang sa dina-drive kong kotse at pumasok without my permission" Sagot nito ng hindi nililingon ang kausap. Lumapit siya sa akin at naglahad ng kamay "My name is Lemuel. Remember?"

Hindi ko sana tatanggapin iyon dahil sa tuwing naalala ko ang ginawa niyang pagbibintang sa akin ay kumukulo ang dugo ko. Pero dahil nakatingin ang magaling kong amo ay napilitan akong tanggapin iyon kahit sa loob loob ko ay gusto ko na siyang tirisin na parang kuto.

"Ella po" I smiled fake. Hindi lang ako yata ipinanganak na maganda, ipinanganak din ako na magaling makipagplastikan.

"Yeah, I heard your name several times" He smiled sweet.

Hindi sa pagiging ashumera pero nagpapacute siya sa akin. Well hindi na nakapagtataka, ang ganda ko kasi

"Wendy said na isasama ka niya. Do you want to ride with me? Don't worry, magaling ako mangabayo"

Tumaas ang kilay ko. Bilib din ako sa isang ito, napakabilis!

"Sa akin siya sasabay" Napatingin ako kay Hero na hindi ko namamalayang nakasakay na ng kabayo. "Nag usap na kami, sa akin siya sasakay. Delikado mag angkas kapag hindi ka pa masyadong gamay sa paghawak ng kabayo.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon