Kabanata 8

633 18 8
                                    

"Saan tayo maglalunch?" Isang pamilyar na boses ang umagaw sa atensyon ko habang ibinabalik ko sa bag ang mga gamit ko. Katatapos lang maglecture ng professor namin sa accounting at halos tatlong oras din ang inabot niyon.

Tinapunan ko ng tingin ang nakadungaw na si Jane "Sa Canteen nalang"

Dalawang linggo na akong nakaenroll sa Lecio de San Jacinto. Bumalik ako ng first year college kahit na dapat nasa 4th year college na ako. Ayoko kasi na magkaproblema sa requirements kaya sinabi ko na hindi pa ako nagcocollege. Business Management naman ang kinuha kong kurso, malayong malayo sa medisina na kinukuha ko sa manila. Medyo nahirapan akong magadjust dito, madalas kasi akong tampulan ng tukso dahil sa hitsura at pananamit ko. Mabuti nalang dahil sa kabila no'n nakatagpo parin ako ng dalawang masasabi kong kaibigan.

Sigawan ng mga babae ang kumuha ng atensyon namin ng mapadaan kami sa gymnasium. Dali daling sumilip si Demi para alamin kung anong meron at parang tangang nagtitili habang lumulundag lundag pa ito ng bumalik sa amin.

"Naglalaro si Papa H!" Nagtitili siya. Lalaki siya pero mahahalata mo talaga na may kakaiba sa kanya.

"Sinong Papa H?" Tanong ko pero hindi niya ko pinansin. Hinila niya si Jane papasok ng gym.

"Tara manood muna tayo!"

"Akala ko ba maglulunch tayo?" Tanong ko ulit pero parang nahipnotize na yata 'yung dalawa dahil hindi na ako naririnig. Pumasok sila sa loob. Wala akong nagawa kundi pumasok na rin. Pagpasok ko, sigawan ulit ang mga babae. Tumingin ako sa court para alamin kung sino ang tinitilian nila, isang pawisang lalaki na may nakasulat na 'Sebastian' sa likod ng uniform ang kakatapos lang magshoot ng bola mula sa malayo. Teka..hindi ba si...

"Ang galing mo talaga Hero!" Muling sigawan ng mga babae.

Basketball player pala ang asungot n 'yon?

"Ella tara na! Baka tamaan ka ng bola" sigaw sa akin ni Jane ng makita niya akong tumigil sa paglalakad.

"Sige" sinundan ko sila, sa unang hilera ng bench kami umupo. Hindi pa ako tuluyang nakakaupo ng sumigaw si Demi ng pagkalakas lakas.

"Ang galing mo Papa H! I love you!'' May kasama pang lundag lundag. Hindi ko alam kung matatawa ako o mahihiya sa pinaggagawa niya.

"Sino 'yung tinatawag niyang papa H?" Kahit may ideya na ako kung sino ang tinatawag ni Demi na Papa H, itinanong ko parin iyon kay Jane. Mas mabuti na ang nakakasigurado.

"Si Hero Sebastian. 5th year ng Engineering department" nakangiting sagot niya. "Sikat siya dito sa school.

"Sikat? Hindi nga?" Hindi ako makapaniwala, paanong ang house boy ng mga Robles ay sikat dito sa school? "Nagbibiro ka ano?"

''Oo nga! Siya ang MVP ng basketball team natin. Kita naman sa galing niya 'di ba? Kaya siya tinitilian ng mga babae dito sa campus. Hindi lang sa basketball siya magaling, matalino din siya. Sa katunayan, deanlister din siya. Baka nga magcumlaude pa siya ngayon taon at kung papalarin maging summa pa"

''Gano'n siya katalino?'' Gulat na tanong ko. Proud na proud naman na tumango tango siya.

Wala sa sariling tumango tango din ako. Talaga ba? Gano'n katalino ang asungot na 'to? Pero bakit hindi halata sa ugali niya? Kung matalino siya dapat may kaunting respeto siya lalo na sa akin na babae!

Sikat siya? Posible dahil gwapo siya pero kung sikat siya dahil magaling siya, ts! Hindi ako naniniwala!

Bumalik ang mata ko sa laro, hindi lang pala si Hero ang kasali sa basketball team dahil pati panganay na anak ni Mayora na si William ay kasali din. Binabantayan nito ang nagtritribol na si Hero. Malakas ang depensa ni William pero hindi iyon naging hadlang para kay Hero. Nilito niya ang kalaban dahilan para makawala siya dito at magshoot mula sa ilalim ng ring.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon