Kabanata 7 (2)

625 17 3
                                        

Ilang araw din akong nasa hospital matapos ang aksidente. Maraming mga pulis at reporter ang nagpupumilit na kausapin ako para alamin ang tunay na naganap sa pamilyang Fuentez pero hindi muna ako humarap sa kanila. Masyado pang sariwa sa isip ko ang lahat ng nasaksihan ko kaya mas pinili ko muna ang manahimik. Isa pa, hindi ko pa tanggap ang nangyari sa pamilya ng bestfriend ko. Hanggang ngayon ay hindi parin ako makapaniwalang patay na ang matalik kong kaibigan.

"Bakit hindi mo kami tinulungan? Ang sabi mo tutulungan mo kami pero bakit hindi mo ginawa?"

"Nathalie I tried to help you but---"

"Lier! Lier ka Ellaine! Pinabayaan mo kaming mamatay! "

"That's not true!"

"Sinungaling ka! Selfish ka Ellaine!"

"Nathalie hindi 'yan totoo!"

''Selfish ka! Sana ikaw nalang ang namatay! Ang dapat sa'yo mamatay din!"

"NO!" Humahangos na napabangon ako mula sa kinahihigaan ng iputok ni Nathalie ang hawak niyang baril sa tapat ng dibdib ko. Kahit na panaginip lang biglang nanginig ang buo kong katawan. Feeling ko kasi totoo iyon, feeling ko totoong sinisi niya ako sa pagkamatay nilang mag anak at gusto niyang pagbayaran ko ang lahat.

"Sorry besty, wala akong nagawa para tulungan ka" umiiyak na yumuko ako. Nasa ganoon akong kalagayan ng mapansin ang isang lalaki na kanina pa nakatayo malapit sa pintuan.

"Sino ka?'' Tanong ko pero hindi ako pinapansin nito. Nakatayo lang ito habang pinagmamasdan ako. Hindi ko naman makita ang mukha dahil natatakpan.

"Who are you?" Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan lalo na nung unti unti itong lumalapit sakin at ilabas ang isang kutsilyo mula sa bitbit nitong bag. Oh my.....

"Help! " Napasigaw ako. "Daddy! Kuya!"

"Mamatay ka" Sabi ng lalaki habang lumalapit sa akin

"Wag kang lalapit sa akin! Tulong!" Pilit akong bumababa sa kamang kinalalagyan ko, mabuti nalang hindi masyadong naparisa ang mga binti ko kaya naigagalaw ko pa ito at naibaba.

"OUCH!" Naramdaman ko ang pagkirot ng sugat ko ng bumagsak ako sa sahig "Tulong!" gumapang ako papalayo "Tulungan niyo ako!"

"Wala ka ng kawala bata" palapit na ito ng palapit sa akin.

"No!" Napasigaw ako ng malakas ng itinaas nito ang kutsilyo para saksakin ako, mabuti nalang at may pumasok na lalaking nakaitim at pinigilan ito. Akala ko si kuya ang nagligtas sa akin pero hindi nagsusuot ng sombrero si kuya sa loob ng hospital at hindi rin siya nagmamask. Kung ganon, sino ang lalaking ito?

Nag away ang dalawa sa harap ko, nagtadyakan at nagsuntukan. Maya maya pa ay bumagsak sa sahig ang lalaking nagtangka sa buhay ko.

"Sumama ka sa akin hindi lang siya nag iisa" Sabi ng lalaking nakamask sabay hawak sa kamay ko. Nakaramdam ako ng kakaibang kaba matapos niyang hawakan ang kamay ko

"Sino ka? Saan mo ako dadalhin?" Nanginginig ang tono ng boses na tanong ko.

"Magtiwala ka sa akin ililigtas kita" Nakita ko sa mga mata niya ang pagnanais na iligtas ako sa tiyak na kapahamakan kaya walang alinlanga na sumama ako sa kanya. Takbo at lakad ang ginawa namin sa hallway ng hospital. Hanggang sa isang storage room ang nakita namin, pumasok kami doon at nagtago. Ilang minuto matapos kaming pumasok ay nakarinig kami ng yabag ng paa at mga pag uusap. Tinakpan ng katabi ko ang bibig ko para siguruhin hindi ako makakagawa ng anumang ingay.

"Ano nakita niyo 'yung babae?"

"Hindi pa nga"

"Patay tayo kay boss nito!"

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon