"I'm sorry mommy and daddy, alam ko pong magagalit kayo sa akin kapag ginawa ko ito. Mahirap para sa akin na iwanan kayo but I won't have a choice, buhay ninyo po kasi ang nakasalalay dito. Basta lagi ninyong tatandaan na mahal na mahal ko po kayo" Umiiyak na binubulong ko iyon habang tinitingnan sila mommy at daddy na himbing na himbing sa pagtulog. "Pangako babalik ako"Pagkatapos ilapag ang sulat sa sidetable ay dahan-dahan akong tumalikod para lumabas ng kwarto. Ayoko sana maging madrama ang pag alis ko pero hindi ko mapigilan ang sarili ko na mapaiyak. Ito ang ang unang pagkakataon na mahihiwalay ako sa kanila at iisipin ko pa lang, parang gusto ko ng umatras.
No Ellaine, you have to do this. Mas malaki ang mawawala sa'yo kapag nanatili ka dito sa mansyon niyo. Bulong ng isip ko, napabuntong hininga nalang ako at binalewala ang pag aalinlangan ko.
Pinagmasdan ko ang likod bahay na daraanan ko. Tahimik at nababalot ng kadiliman ang lugar na iyon. Maraming pulis at security guard ang nakatambay sa main gate namin kaya naisipan ko na dito nalang dumaan para walang makakita sa pag alis ko.
Napabuntong hininga ako ng makita ang punong mangga na kailangan kong akyatin para makatawid sa kabilang bakod.
"Bahala na" bulong ko. Tulad ng sinabi ko kanina, wala akong choice. Alam kong hindi ang paglalayas ang solusyon sa problemang kinakaharap ko pero malaking tulong ito, lalo na sa kaligtasan ng pamilya ko.
Hahakbang na sana ako para lapitan ang punong mangga ng makarining ng tahol ng aso.
"Arf. Arf" tahol ni Olaf. Sa una ay mahina lang ang tahol ngunit lumakas iyon ng makita ang mukha ko.
"Sh! Olaf wag kang maingay!" saway ko sa kanya. Binugaw ko siya palayo pero mas lalo pa siyang lumapit sa akin at lumundag lundag pa.
''Olaf ano kaba! I said --" Natigil ako sa pagsasalita ng makitang masama ang tingin niya sa akin, para bang dadakmain ako anumang oras. Bigla akong napaatras sa kinatatayuan ko lalo na nang lumakad siya papalapit, kagatin at hilain ang laylayan ng palda ko.
"Pakeng tape!" Napasigaw ako, muntik na akong mahubaran sa ginawa niya. Mabuti nalang at mabilis kong nahawakan ang garter sa bandang bewang. Hinila ko ang palda para bawiin sa kanya ngunit hindi niya binatawan.
Ano bang problema ng asong 'to?
''Hey Olaf, What's the matter with you? Don't you recognize me anymore? Ako 'to! Si Ellaine! Your beautiful master" Nakipaghilaan ako sa kanya hanggang sa mapunit ang palda at tumalsik ako sa kung saan. Akala ko okay na, pero nakita ko ulit siyang lumalapit sa akin habang masama parin ang tingin kaya naman dali-dali akong tumayo.
''Hoy aso ka! Ano bang problema mo sa akin? May ginawa ba akong mali sa'yo? Pinagalitan ba kita? Sinaktan? Hindi naman ah! Pero bakit ganiyan ka--ah!'' Hindi pa ako tapos magsalita nang bigla niya akong habulin. Mabilis na tumakbo ako sa likod bahay at lumapit sa puno ng mangga. Una kong isinabit sa sanga ang mini suitcase ko pati na rin ang shoulder bag ko. Ilang araw ko din pinagpraktisan akyatin ang puno kaya hindi ako nahirapan sa pag akyat.
''Ano ka ngayon? Hindi ka makaakyat!'' Pang aasar ko kay olaf na walang humpay sa kakatahol at lundag ng lundag sa baba. Gusto kong bumulalas ng tawa, galit na galit siya.
''Olaf! Sinong kinakahulan mo diyan?'' Natigilan ako ng makarinig ng tawag mula sa bahay. Boses iyon ng isa sa katulong namin. Malamang nagising dahil sa kaingayan nitong aso na ito. Kainis!
''Wag ka ngang maingay diyan Olaf! Leletchonin kita umayos ka!'' Pinandilatan ko si Olaf ng mata then I gave him a deadly stare, parang nakaintindi ang aso dahil nanahimik ito saglit.

BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...