Kuntento na ako sa buhay ko at wala nang mahihiling bukod sa maganda, matalino, mayaman at talented ay biniyayaan din ako ng mapagmahal na pamilya at mga kaibigan. Ang akala ko nga habang buhay na akong magiging masaya sa piling nila pero nagkamali ako dahil isang napakalaking problema ang dumating sa buhay ko. Isang napakalaking problemang hindi ko alam kong paano susolusyunan.
Nagsimula ang lahat maraming taon na ang nakakalipas ng makilala ko ang isang batang babae na nagsasabing bestfriend ko. Hindi ako naniniwala sa kanya dahil bukod sa kagagaling lang ng pamilya ko sa states hindi pamilyar sa akin ang mukha niya. Tandang tanda ko pa ang araw ng una namin pagkikita.
Nasa grade school palang ako, naglalakad ako sa hallway ng school namin ng bigla nalang niya akong yakapin.
"Ellaine, nakauwi ka na" Naalala ko pa nga tuwang tuwang siya habang sinasabi niya iyon sa akin.
"Hey! Do you know me?"
Kumunot ang noo niya sa tanong ko "Of course! You're Mary Ellaine! My one and only bestfriend!'
"Bestfriend?"
"Yup, hindi mo na ba ako naaalala? Ako 'to! Si Nathalie! your bff"
Nung araw na iyon gulong gulo ang isip ko, paano ko siya makikilala kung hindi ko naman talaga siya kilala? Iyon ang unang pagkakataon na nakita ko siya. At kagagaling lang namin sa states, paano ako magkakaroon ng bestfriend dito sa philippines?
"Are you kidding me. right?"
"Ikaw talaga, hindi dahil galing ka lang sa America who you na ko sa'yo. Halika nga sumama ka sa akin" Sabi niya tapos bigla niya akong hinigit.
"Hey! Where are we going?"
"Pupuntahan natin si daddy, I'm sure matutuwa 'yon kapag nalaman niyang nakabalik ka na from state"
Pinuntahan nga namin ang daddy ni Nathalie at mas lalo akong naguluhan dahil maging ang daddy niya ay kilala ako. Ang sabi nila, magkaibigan na kami ni Nathalie bago pa ako dalhin ng parents ko sa America. Pero bakit ganon? Wala akong maalala?
Paguwi ko sa bahay namin ay agad kong sinabi kay mommy ang bagay na iyon, at nagulat nalang ako ng magalit siya. Pinagalitan niya ako at sinabihang wag na wag akong lalapit sa mga taong hindi ko naman kilala. Kaya naman simula rin ng araw na 'yun iniwasan ko na si Nathalie.
"Iniiwasan mo ba ako besty?"
"My mommy told me na wag daw akong makikipag usap sa stranger"
"Ha? Pero hindi naman ako stranger. Magbestfriend tayo "
"But I don't even know who you are, paano tayo magiging magbestfriend? Hindi nga kita matandaan "
"Siguro nawala lang 'yung alala mo dahil sa nangyari sa atin 2 years ago, but don't worry tutulungan kitang ibalik ang alaala mo. Matatandaan mo din ako balang araw"
Nagpatuloy ang pangungulit sa akin ni Nathalie, pinagpipilitan niya talaga na magbestfriend kami. Kaya naman wala akong nagawa kundi makipagkaibigan sa kanya. Actually nagugustuhan ko na siya maging kaibigan, mabait kasi siya at maalalahain kaya hindi nagtagal naging close kami at naging magbestfriend tulad ng sinasabi niya. Palagi kaming magkasama, sabay kaming lumaki at magdalaga. Hindi alam ng mommy ko ang pakikipag kaibigan ko kay Nathalie, noong minsan kasing sabihin ko sa kanya ay pinagsabihan niya na naman ako na iwasan ko daw si Nathalie pati na ang pamilya nito. Kaya naman napilitan akong itago ang bagay na iyon sa kanya. Pero hindi rin nagtagal ay nalaman ni mommy. Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit siya ng malaman niya ang bagay na iyon.
"Hindi ba't sinabi ko naman sa'yo na wag na wag ka ng lalapit sa pamilya nila?" singhal ni mommy sa akin matapos akong bigyan ng malakas na sampal.
![](https://img.wattpad.com/cover/10269228-288-k250176.jpg)
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...