Kabanata 20

454 15 5
                                    

Krisniee's note: Hello! Gusto sana magpasalamat sa walang sawang paghihintay ng update nitong MAH kahit super tagal. I really appreciated it lalo na ang mga votes and comments niyo ♥️. Isa isa ko po itong binabasa. Sana patuloy niyo parin samahan ang istorya ni Panget at ni Asungot hanggang dulo.♥️♥️ Salamat! 🥰🥰

Love, ~Ella at Hero~
--------------------------------------------------

DAHAN DAHAN kong inangat ang braso ni Hero para makawala sa yakap niya. Nang makitang hindi na siya nagresponse, dahan dahan akong tumayo para tuluyang makawala sa bisig niya. Dalawang oras din ang hinintay ko bago siya makatulog ng tuluyan. Hindi ko pinagsisihan ang pagiyak ko sa dibdib niya, nawala ang bigat na dinadala ko sa dibdib kahit papano. Pero kahit ganoon, hindi mababago nito ang desisyon ko. Tuloy ang plano kong pagiwas at tuloy ang plano kong pakikipagkita kay Lucas.

Dinampot ko ang cellphone at napabuga ng hininga ng makitang magaala una na ng madaling araw.

'Di bale, ang sabi niya maghihintay naman siya hanggang umaga. Sabi ko sa isip ko.

Tumayo ako at kinuha ang jacket na sinadyang hinanda ko sa lakad na 'to. Itinago ko ang ulo ko sa hood at humarap sa salamin para ayusin ang sarili ko, nang matapos tahimik akong naglakad patungo sa pinto.

'Kaya mo iyan Ella!' Bumuga ako ng malalim na hininga nang harapin ang pintuan, aaminin kong natatakot ako at kinakabahan pero kailangan kong labanan. Lumingon ako kay Hero na mahimbing parin natutulog, nagpapasalamat ako dahil hindi siya nagising habang naghahanda ako.

"Para sa iyo 'tong gagawin ko. Para sa inyo ni Eirene" bulong ko habang iniisip ang kahihinatnan sakaling magtagumpay ako sa laban ko. Kapag nahuli na ang mga suspect, may dahilan na ako para bumalik ng Manila. Makakapagmahalan na rin sila ni Eirene na walang tulad ko ang gumagambala. Pero agad din pinagharian ng takot ang puso ko sakaling mabigo ako. Isa lang naman ang kahihitnan ko.


Kamatayan.

"Bahala na" Muli ako bumungtong hininga ng malalim.

Dahan dahan kong binuksan at isinarado ang pinto ng kwarto. Napayakap ako sa sarili ko ng salubungin ng malamig na hangin. Ganito pala kalamig dito sa labas tuwing madaling araw. Parang nakokonsensiya ako dahil hinayaan ko si Hero na matulog dito sa terrece nang dalawang gabi.

Bumaba ako ng cabana at parang gusto ko nalang bumalik ng makita kung gaano kadilim ang dalampasigan na kailangan kong lakarin. Alam ko ang sinasabi ni Lucas na dulo nitong resort dahil nadaanan namin iyon kahapon nang mag island hopping kami at hindi iyon kalapitan.

Huwag nalang kaya ako tumuloy? Hayaan ko nalang kaya ang mga pulis ang magimbestiga ka kaso?

Pero wala rin silang nagagawa! Walong buwan na ang nakakalipas pero wala parin nahuhuli sa mga suspect kahit isa!

Nagtatalo ang isipan ko. Sa huli, humugot ako ng hininga para labanan ang takot. Marami akong agam agam, maraming tanong ang nabuo sa aking isipan. Pero ang kagustuhan makausap si Lucas ang nagudyok sa akin para magpatuloy. Hindi lang naman ang paghuli sa mga suspect ang dahilan kung bakit gusto kong makipagkita sa kanya. Marami akong gusto sabihin sa kanya, itanong. Gusto kong malaman kung bakit niya sinasabing minahal niya ako. Siya ba si Mr. L? O siya ba ang lalaking nagligtas at humalik sa akin sa hospital?

Nagsimula akong maglakad. Ang lakas ng kaba ko sa bawat hakbang ko, maraming pumapasok na kung ano ano sa isipan ko, pero pinipilit kong iniwawaksi iyon.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon