Kabanata 12

596 19 8
                                    

"Hay sa wakas, nakaupo rin" Nasambit ko matapos makaupo sa batuhan sa sea side. Inunat unat ko ang binti ko dahil feeling ko maninigas na 'yon sa sobrang ngalay. Kalahating oras din kasi akong sumayaw sayaw, hindi rin ako nakaupo agad dahil naggala at naglaro pa kami ni Hero sa timezone. Hindi nga namin namamalayan na naubos na pala ang pera na pambili sana ng regalo para kay Eirene.

"Oh" Sinalo ko ang inihagis ni Hero na stuff toy sa'kin. Walang imik na naupo siya sa tabi ko at kinuha ang isang mineral water mula sa binili namin na snacks pagkatapos ay tinungga iyon. Pinagmasdan ko siya, hindi ko mapigilan humanga dahil kitang kita ko ang pag galaw ng adams aple niya habang unti unting nauubos ang tubig sa bote.

Bigla akong napaiwas ng tingin ng makitang binalingan niya din ako ng tingin. Tumikhim ako para mawala ang kunting hiya na nadarama.

"Salamat pala dito" tukoy ko sa stuff toy na hawak ko. Siningit ko iyon para may mapagusapan kami. Nakikita ko kasi sa peripheral vision ko ang maliit na ngiti sa labi niya. Siguro pinagtatawanan niya ako dahil nahuhuli na naman niya akong nakatingin sa kanya.

"Para ka talagang bata 'no, sa dinami dami ng prize doon stuff toy talaga? Pwede naman gamit" sabi niya. Napanalunan namin ang stuff toy ng makaputok siya ng tatlong lobo gamit ang matutulis na arrow.

"Naalala ko kasi si Helmet boy sa kanya" ngumiti ako. Totoong naalala ko si Helmet boy sa laruan. May suot kasi itong helmet gaya ng Helmet ng pangatlo kong tagapagtanggol. Hindi ako nakapagpasalamat sa kanya kaya sa manika ko nalang idadaan ang pasasalamat ko. Hindi ko alam pero itinadhana yata na hindi ko makikilala ang mga Hero ko. Kahit magpasalamat ay hindi ko nagawa. Una, ang lalaking nagligtas sa akin sa aksidente. Pangalawa, ang misteryosong lalaki na nagligtas at humalik sa akin sa hospital. Pangatlo, si Helmet boy. Tanging ang pangapat na tagapagtanggol ko lang ang nakakausap ko ngayon, at iyon ay walang iba kundi si Hero.

"Helmet boy?" Wala sa sariling napatingin siya sa akin.

"Oo. Si Helmet boy ang tumulong sa akin nu'ng muntik na akong mapagtripan ng mga lasing. Paano ba naman iniwan ako ng isa diyan" Ngumuso ako. Sinadya kong sabihin iyon para tamaan siya. "Kahit isang buwan na ang nakakaraan hindi ko parin makalimutan ang ginawa niya du'n sa mga lasing. Alam mo bang pinagtatadyakan at pinagsisipa niya pa iyon? Naku! Kung nandun ka lang t'yak na hahanga ka sa kanya. Ang hot niya! Ang galing pa! Partida nakahelmet pa siya"

"Ganun siya kagaling? Hindi nga?"

"Yup. Sayang lang dahil hindi ko siya nakilala, siguro kung nakilala ko siya, may kaibigang lalaki na ako ngayon. May magtatanggol na sa akin sa tuwing inaaway mo ako"

Tumawa siya "Tinanong mo ba siya kung gusto niya makipagibigan sa'yo? Walang lalaki ang tatagal sa'yo. Bukod sa mataray at maldita ka, napakalapit mo pa sa disgrasya. May balat ka yata sa pwet"

"Grabe ka naman sa akin" sumimangot ako. "Meron naman, si Demi"

"'Yung baklang iyon?" Ngumisi siya. "Magkaiba ang may pusong lalaki sa may pusong babae"

Hindi na ko sumagot, siguro nga tama siya. Napansin ko din 'yun. Walang nagtatagal sa akin kahit kaibigang lalaki man lang. O kaya 'yung mga nagligtas sa akin. Kahit isa, hindi man lang ako binigyan ng pagkakataon na makilala sila lalo na ang lalaking humalik sa akin. Maganda naman ako, sexy maputi at higit sa lahat mabait.

Siguro ito na ang karma ko sa pangdededma sa mga manliligaw ko noon. Ang balewalain ng mga lalaking itinuturing ko na mahalaga sa akin.

Napansin ni Hero ang pananahimik ko kaya nilingon niya ako. Hindi ko siya tiningnan, nanatili ang tingin ko sa dagat. Ayoko makita niya ang mukha ko, baka mahalata niya na naapektuhan ako sa sinabi niya. Wala naman siyang sinabi masakit pero nasasaktan ako. Hindi ko alam kung bakit.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon