Wala ako sa mood nang maghapon na 'yon. Natapos ang klase namin ng hindi ako umiimik. Tinanong ako ni Jane at Demi kung may problema ako pero inilingan ko lang sila at sinabing pagod lang ako.
Hindi mawala wala sa isip ko si Hero, he's avoiding me and its hurts me. Dapat sa mga oras na ito natutuwa ako dahil sa wakas iniiwasan na din niya ako, mas madali mawala ang feelings ko sa kanya kung parehas kaming hindi nagpapansinan. Pero ganitong nangyayari na, bakit hindi ako masaya? Bakit nasasaktan ako sa ginagawa niyang pangdededma sa akin?
"Ella, focus! Ikaw nalang ang hindi nakakasabay sa grupo" galit na sigaw sa akin ni Wendy habang nagprapraktis kami sa CS room. Nakahalukipkip siya sa harapan namin habang tinitingnan ako ng matalim.
"I am sorry" napayuko ako, nahihiya dahil pinagtitinginan ako ng mga kasamahan namin.
"Mahalaga ang focus. Kung may problema ka iwanan sa bahay. Hindi basta basta ang pagsasayaw. Tandaan mo, pagkakamali mo, pagkakamali ng lahat" sermon niya sa akin. Nahihiyang tumango tango ako "Sige na. Alam kong pagod na kayo, magpahinga na kayo. Bukas ulit"
"Thanks President!" Pasasalamat ng lahat.
Napahugot at napabuga ako ng hininga dahil sa sinabi ni Wendy. Hinayaan kong suminghap ng bagong hangin ang lalamunan ko bago tinungo ang tumblr ko at uminom. Ngayong nakahinga na ako sa pagindak, ramdam na ramdam ko ang matinding pagod at gutom. Gusto kong makauwi na para matikman ko na ang masarap na luto ni Aling Murin at maihiga ko na ang katawan ko sa malambot kong kutson.
Pinupunasan ko ang pawis sa leeg ko ng lumapit sa akin si Eirene. "Miss mo ba agad?"
"Huh?" Kumunot ang noo ko sa bungad niya. Tinitigan ko ang maganda niyang mukha na para bang doon ko maiintindihan ang sinabi niya.
"Si Lemuel. Namiss mo agad. Kaya nawawala ka sa focus" aniya na sinabayan ng mahinhin na tawa. Umikot ang mata ko sa ere. Akala ko nakakahalata na siya na si Hero ang dahilan ng pagkakawala ko sa sarili. Parehas sila ni Jane at Demi, si Lemuel ang laging bukang bibig.
Pero mas okay na ang ganon, alam ko naman walang patutunguhan ang nararamdaman ko para sa binata. Ilang beses man akong umasa, hindi ko na mababago na ang babaeng nasa harapan ko ang mahal na mahal niya.
"Don't worry, bukas si Lemuel na ulit ang magtuturo" dagdag pa niya na para bang nanghihinayang talaga ako na wala si Lemuel ngayong gabi. Naghalfday kasi ang binata kaya si Wendy muna ang nagturo sa amin ng sayaw. "Sumabay ka na sa akin umuwi, wala si Lemuel kaya ako na ang magdadaan sa iyo sa mansyon nila ninang"
"Hindi na. Nandiyan naman siguro si Hero, susunduin ako no'n dahil alas dyes na ng gabi"
"Umuwi na siya sa bahay niya" agap niya.
Natulala ako sa kanya. Parang may tumusok sa puso ko nang dahil sa sinabi niya. Hindi makapaniwalang pababayaan ako ni Hero, nasanay akong sinusundo niya dito sa school kapag ginagabi ako ng uwi. Saka na siya uuwi ng bahay niya kapag nahatid na niya ako sa mansyon ng ligtas.
"Ang akala niya siguro, nandito si Lemuel kaya hindi ka na niya sinundo. Kasi diba almost 1 week na ring si Lemuel ang naghahatid sa iyo sa mansyon"
Nagiwas ako ng tingin, naiinis ako dahil may point siya. One week na rin akong hinahatid ni Lemuel dahil nga iniiwasan ko si Hero. At iyon siguro ang dahilan kaya hindi niya ako sinundo. Akala niya nandito si Lemuel.
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Novela JuvenilEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...