Ibat ibang klase ng ingay ang gumising sa mahimbing kong pagkakatulog. Nagpalinga linga ako at bumungad sa akin ang dami ng tao na nag aabang sa paglapit ng bangkang sinasakyan ko. Nasa pier na pala ako. Matapos ihatid ni Helmet boy sa bulan kanina ay walang tanong tanong na sumakay ako dito sa bangka o lantsa kung tawagin ng mga taga rito.
"Ale, ano pong lugar 'to?" Naisip kong itanong sa babaeng dumaan sa harapan ko, nagsisitayuan na ang pasahero na para bang nakarating na kami sa aming destinasyon.
"Nandito na tayo sa Ticao Island. Sa pier ng San Jacinto Ineng" sagot nito. Nagpasalamat ako at tumayo na rin.
Pinagmasdan ko ang paligid habang hinihila ng dalawang lalaki ang lubid ng bangka. Sa tingin ko, kung hindi driver ng habal habal ang karamihan sa mga taong nag aabang sa amin, ang iba sa kanila ay kargador ng gamit. May napansin din akong naglalako ng tinda. Habang ang mga bata naman ay masayang naliligo sa gilid.
Napabuntong hininga ako, lumaki ako sa city at hindi sanay makakita ng ganitong tanawin kaya hindi ko maiwasan ang matakot. Tama ba 'tong lugar na napuntahan ko? Higit sa lahat, tama ba 'tong ginagawa ko?
Napahigpit ang hawak ko sa gamit ko ng ilang grupo ng kalalakihan ang mabilis na pumasok sa banka matapos ilagay ang isang malaking tabla na nagsisilbing tulay namin. Isang lalaki ang nag offer na dalhin ang maleta ko ngunit hindi ako pumayag. Sa panahon ngayon, mahirap ng magtiwala.
"Ang init!" Napamewang ako at ipinunas ang likod ng palad sa aking noo. Tanghaling tapat kaya tirik na tirik ang araw. Isang pedicab driver ang nag offer sa akin ng sasakyan, pumayag ako ngunit hindi pa ako nakakasakay ng isang binatilyo ang biglang humila sa bag ko "Magnanakaw!"
"Ano ba namang klaseng buhay ito? Ganito ba kahirap lumayas? Ang dami daming struggles! Nakakainis na! Nakakaasar! nakakaembyerna!" Pag aalburuto ko habang naglalakad sa isang madilim na kalsada ng San Jacinto. Hindi ko alam kung nagkataon lang o sadyang kakambal ko na ang kamalasan, pagkatapos ng lahat ng napagdaanan ko kanina heto at nanakawan naman ako.
"Ano nalang mangyayari sa akin nito? Wala na akong kapera pera! wala na akong pangbuhay sa sarili ko!" Dagdag ko pa. Mas lalo akong nanggalaiti sa galit ng maalala na nasa bag ko lahat ang gamit ko. Ang credit card, debit card at cash na inilaan ko para sa budget ko sa ilang buwan, lahat ng iyon ay nawala nang isang iglap lang.
Nangilid ang luha ko, lalo na ng pagmasdan ang madilim na kalsadang kailangan ko pang lakarin para makarating sa isang baryo. Wala pang dalawang araw ang pag lalayas ko pero parang gusto ko ng sumuko. Gusto ko ng sumakay ulit ng lantsa at umuwi nalang sa bahay. Sa bahay kasi, bagamat mapanganib nandoon naman ang pamilya ko. Ang mom and dad ko na inaalagaan ako at ang mga kapatid ko na mahal na mahal ako.
Hindi pwede. Nandito na ko, aatras pa ba ako? Saka ako naman ang may gusto nito hindi ba? Ako ang nagpumilit na umalis ng bahay kaya dapat tanggapin ko lahat ng magiging consequence nitong paglalayas ko.
Nagsimula akong maglakad muli. Maya maya pa ay naramdaman ko na parang may sumusunod sa akin. Kinabahan ako. Binilisan ko ang paglalakad hanggang sa mapunta iyon sa pagtakbo.
Kumalabog ang puso ko ng maramdamang nasa likod ko na siya at wala pang isang minuto naramdaman ko na ang kamay niya sa bibig ko.
"Hmmmp!" Impit na napatili ako. Nagpumiglas ako ngunit tumigil ng makaramdam ng isang matalim na bagay sa tagiliran ko.
"Wag kang gagalaw miss kung ayaw mong masaktan" Naamoy ko agad ang magkahalong amoy ng alak at isang amoy na hindi ko malaman kung ano. Nagpumiglas parin ako kahit alam kong ikakapahamak ko iyon. Mas mabuti na ang mamatay ako ng lumalaban. Saka sa dami na ng napagdaanan ko ngayon pa ba ako susuko?

BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...