Kabanata 19

515 14 8
                                    

ISANG MALAKAS na sampal ang muling dumapo sa pisngi ni Hero ng makawala ako sa pagkakahalik at pagkakayapos niya. Habol ko ang hininga ko habang masamang nakatingin sa kanya samantalang hindi naman niya ginagalaw ang mukhang nakatabingi dahil sa pagsampal ko. Tulad ko, naghahabol din siya ng hininga.

Marami akong gustong sabihin sa kanya pero mas pinili kong tumalikod nalang at umalis. Sunod sunod na nagsibagsakan muli ang mga luha ko. Naguguluhan na ako, akala ko ba kapatid lang ang turing niya sa akin? Pero bakit hinahalikan niya ako ng ganito? Si Eirene ang mahal niya pero sa akin niya binibigay ang halik niya. Pinaglalaruan niya ba talaga ako? Sinasadya niya ba itong gawin para paasahin ako?

Panay ang punas ko sa pisngi at mata ko habang pababa ng bundok. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa magkahalong luha at tubig ulan na bumabara sa mga mata ko, mabuti nalang madali nalang ang daan pababa kaya nakauwi ako ng cabana ng ligtas. Pagpasok sa kwarto, mabilis kong hinubad ang basang roba at humiga sa kama, nagtalukbong ng kumot at tahimik na umiyak.

Hindi ko na alam kung saan ilulugar ang sarili ko. Gusto ko siyang intindihin dahil baka ginawa niya lang iyon dahil namiss niya ang kapatid niya o si Eirene pero tanginan naman! Konting konsiderasyon naman sa feelings ko! May feelings din naman ako, nagmamahal, nasasaktan at umaasa. Hindi ako robot! Ano na naman ang idadahilan niya? Na namiss niya si Eirene kaya niya iyon ginawa? Na hindi niya magawa sa dalaga ang halikan ito kaya sa akin niya ginagawa? Fuck! Akala niya siguro unlimited ang pagiging subtitute ko. Kalalaking tao pero napakatorpe!

Sinusubukan ko na ngang unti unting tanggapin na kapatid lang ang turing niya sa akin, pero dahil sa ginawa niyang ito, muli na naman bumubuhay ang pagasa sa puso ko.

Masakit ang ulo ko nang magising kinabukasan. Umiikot ang paningin ko ng subukan kong bumangon sa kama. Naulanan ako kagabi at magdamag pang nagiiyak kaya siguro ganito ang pakiramdam ko. Kinuha ko ang cellphone ko sa side table at tiningnan ang oras. Napapikit ako ng makitang magaalas dose na pala ng tanghali. Usapan pa naman namin ni Hero na maaga ba-byahe pabalik ng mansyon.

Tumayo ako at ilang segundo din nilabanan ang hilo, nang medyo um-okay nagtungo sa CR para mag ayos. Napabuntong hininga ako ng makita ang hitsura ko sa salamin. Magang maga ang mga mata ko dahil sa magdamag kong kakaiyak samahan pa ng malaki kong eyebags. Nabura na din ang ilang pekas na nilagay ko sa mukha ko.

Tinanggal ko ang suot kong eyeglass at naghilamos para tuluyan mabura ang mga nakadrawing sa mukha ko, pero dahil makapit ang makeup na ginamit ko rito may naiwan parin kahit papano. Nabura ko din ang eyeliner sa kilay ko kaya kahit papano lumabas ang tunay nitong ganda at hugis. Maghihilamos lang sana ako at magreretouch pero naisip ko na baka mawalan ako ng oras mamaya kaya naisip ko maghalf bath. Makakatulong din iyon para mabawas bawasan ang init ng katawan ko.

Lumabas ako ng CR para kumuha ng damit na pamalit. Ilang segundo lang, hawak ko na ang mga ito. Naisip ko na sa kwarto na maghubad para ihihiga ko nalang ang katawan ko sa bathtub. Sarado naman sa buong kwarto kaya hindi ako nagdalawang isip na hubarin ang damit at short ko. Sunod naman ang bra ko, nalaglag ang mga iyon sa sahig. Pinagsama sama ko ang nakalugay kong buhok sa likod at pinaikot iyon para maging bun. Ngunit hindi ko pa naayos ang pagkakatali nang biglang bumukas ang pinto.

"Oh shit!" Napamura ako ng maramdaman ang pagpasok ni Hero. Mabilis kong nabitawan ang buhok ko at naghagilap ng tuwalya na pwede kong itakip sa hubad kong katawan. "Knock the door first Hero!" Sigaw ko. Mabuti nalang at nakatalikod ako sa pintuan kaya ang likod ko lang ang nakita niya.

"Sorry!" Halata sa boses niya ang pagkagulat. "Akala ko tulog ka pa"

"Dapat iyan ang una mong ginagawa kapag papasok ka sa kwarto ng babae!" Inis parin na sabi ko, pinapaikot ko na ang tuwalya sa katawan ko. Kahit mahal ko siya, hindi ko parin gustong makita niya ang katawan ko ng ganoon ganoon lang.

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon