Alas kwatro palang ng umaga ay gising na ako. Balak kong lutuan si Hero ng masarap na almusal kaya matapos ayusan ang sarili, nagmadali ako papunta sa kusina. Si Aleng murin ang naabutan ko sa kusina habang nagluluto.
"Ano hong nilulito niyo nang?" Nilapitan ko siya, nadungaw ko ang macaroni na hinahalo halo niya sa kaldero "Sopas?"
"Oo request ni Señor na magsopas naman daw ako" sagot niya. "Ang aga mo gumising? Maaga pasok mo?"
"Hindi ho, balak ko kasi lutuan si Hero ng masarap na almusal" Binuksan ko ang ref at naghanap ng pwedeng iluto. Dahil biglaan ang dating ni Hero, hindi ako nakabili ng mga ingredients. Balak ko pa naman siya surpresahin pagbalik niya. Pero dahil hindi niya ipinaalam na uuwi na pala siya ako ang nasorpresa kagabi.
"Iba talaga kapag inlove 'no?"
"Nang!" Gulat na nilingon ko si Aling murin bago luminga linga. Hindi naman ako takot na malaman nila na may gusto ako kay Hero pero baka biglang dumating ang binata at marinig nito, nakakahiya "Hindi po ako inlove, gusto ko lang siya paghandaan ng masarap kasi 'diba 1 week din siyang hindi umuwi"
"Asus, wag ako eneng. Dumaan din ako sa pagkabata kaya alam ko ang hitsura ng inlove"
Hindi ko nalang siya sinagot at nagpatuloy sa paghahanap ng pwedeng iluto. Dahil byernes ngayon, wala ng masyadong stock ng pagkain. Bukas pa mamamalengke si aling mameng kaya 'yung mga itlog nalang ang pinagdiskitahan ko. Letche plan nalang ang lulutuin ko. Ipapabaon ko nalang sa kanya para may dessert siya mamayang lunch.
At dahil first time ko ulit gagawa ng leche plan makalipas ang ilang buwan, nagpaguide ako kay aling murin. Inihanda ko na ang lahat ng ingredients at gamit na sinabi niyang gagamitin sa pagluluto ng muli siyang magsalita.
"Alam mo bang pagdating niya kagabi ikaw agad ang hinanap? Nagalit pa nga 'yon sa tiyang niya dahil anong oras na nasa labas ka pa"
"Naku, panigarado akong paghihigpitan na ko ni tiyang Sandra niyan" biro ko. Sinimulan ko ng initin ang saucepan na may tubig at asukal.
"Malamang. At malamang din kay Hero ka na magpapaalam sa tuwing aalis ka" Aniya sabay tawa. Tumawa na din ako.
Isang oras lang ang lumipas, tapos ko ng lutuin ang letche plan. Kinabahan ako ng tikman ni Aling Murin ang ginawa ko.
"Anong lasa?" Nagniningning ang mga mata ko habang inaantay ang sagot niya, pero kaagad napalis ang ningning ng makitang nagbago ang ekspreyon ng mukha niya.
"Nang, ano pong lasa?" Mas lalo akong kinabahan baka hindi masarap ang ginawa ko.
"Ang sama" Nangangasim ang mukha niya.
"Masama?" Nadismaya ako sa sinabi niya. Hindi pwede 'to, hindi pwedeng maging masama ang lasa ng ibibigay ko kay Hero baka madisappoint siya sa akin.
Kinuha ko ang kalahating slice na nabawasan na niya at dinala sa bibig ko. Dahan dahan kong nginuya iyon at ninamnam ang lasa. Kumunot ang noo ko. Anong masama dito? Masarap naman ah!
Kumuha pa ako ng isa para makasiguro. "Aling murin hindi naman masama ang lasa"
"Biro lang" humakhak siya na parang timang "Binibiro lang kita, gusto ko lang makita magiging reaksyon mo, nadismaya ka ano? Natakot ka na baka hindi magustuhan ni Hero ang bake mo"
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Fiksi RemajaEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...
