"Bagay ba sa akin Hero?" Tanong ko kay Hero habang hawak ang itim na two piece swimsuit. Dumaan kami sa department store para mamili ng gagamitin namin sa pagswiswimming. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya dahil swimming ang naisip niya sa date namin. Samantalang okay lang naman sa akin ang simpleng lang, pero dahil inaalala ko na baka bawiin niya ang paganyaya sa akin, pumayag na rin ako.
"Bakit maggaganyan ka?" Kumunot ang noo niya habang pinapasadahan ng tingin ang hawak kong bekini na may design na bandage. "Gusto mo bang mapaaaway ulit ako?"
"Pero.." Magdadahilan pa sana ako pero hindi ko na tinuloy dahil sa tingin niya. Nanghihinayang na ibinalik ko iyon sa sabitan. "Anong gusto mong suotin ko sa dagat? Jacket at pajama"
"Tshirt at short. Pwede na" Sagot niya, lumipat siya sa kabilang station pala maghanap ng mga kailangan niya.
Samantalang hindi naman ako umalis sa kinatatayuan ko, inabangan ko na mawala ako sa paningin niya para mailagay ko ang bikini sa hawak kong basket. Kung Si Demi at Jane ang kasama ko magswimming, okay lang magTshirt at short. Pero dahil si Hero, gusto ko maging maganda at sexy naman sa paningin niya. Ito ang unang pagkakataon na makakasama ko siya magouting, palalampasin ko pa ba? Isa pa, gustong gusto ko talaga ang design nito. Malalaki ang strap nito sa likuran kaya sigurado akong hindi makikita ang tattoo ko.
Habang nagbabayad si Hero ng pinamili namin, lumabas ako sa department store para mag window shopping. Nakakita ako ng tindahan ng camera sa kalapit na store, pumasok ako.
"Good morning Ma'am, welcome po" Bati sa akin ng sales lady. Hindi ko siya pinansin, lumibot lang ang tingin ko sa paligid. Halos malula ako sa dami ng camera na nakapaligid sa akin. Hanggang sa matanaw ko ang isang pink na instax mini 11 camera 'di kalayuan sa akin. Nilapitan ko ito at tiningnan. Wala akong balak bilhin ito dahil unang una, hindi kaya ng budget ko ang halaga nito nacute-an lang ako sa kulay ng camera.
"Gusto mo niyan?" Napatingin ako kay Hero na nasa tabi ko na pala. Dala na niya ang mga paper bag na pinamili namin.
"Tiningnan ko lang" ibinalik ko ang camera sa kinalalagyan nito "Mahal e, hindi afford ng pera ko. Tapos ka na ba magbayad? Tara na?"
Hindi siya gumalaw sa kinatatayuan niya, sa halip kinuha niya ang camera at inabot sa sales lady na kanina pa nagbabatay sa akin. "Miss bibilhin namin ito"
"Pero wala akong pambayad diyan Hero"
"Akong bahala" nginitian niya ako.
"Uhm..sige salamat"
Pagkatapos namin makabili ng mga pagkain at gamit sa outing, bumalik na kami sa parking lot. Kanina matapos niya ako yayain ng date sa fastfood ay nagpunta kami sa bahay niya para kunin ang kotseng hiniram niya sa manila. Hassle magcommute kaya naisip ni Hero na gamitin nalang ang kotse. Dumaan din kami sa mansyon para makapagpaalam. Pumayag naman si Aling Sandra, pero makalipas ang kalahating oras na byahe, saka lang namin naalala na wala pala kami baon o gamit man lang kaya napadaan kami dito sa mall.
"Okay na?" Tanong ni Hero ng maayos ko sa backseat ang mga pinamili namin.
"Oo. Okay na" sagot ko bago sinarado ang pinto at pumasok naman sa passenger seat. Dala ko ang maliit kong bag pati na ang camera na binili niya para sa akin.
Nagsimula na siyang mag maniobra para makaalis kami sa pwesto namin sa parking lot. Samantalang sinimulan ko naman iunbox ang camera, naeexite na akong gamitin ito. Salamat sa instruction dahil mabilis ko lang iyon naikabit kabit.
Itinapat ko kay Hero ang camera at pinindot ang button. Lumabas ang instant film at bumungad ang gwapong mukha niya. Kahit stolen ang kuha, ang pogi niya parin sa picture lalo na at seryoso siya habang hawak ang manibela.
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Ficção AdolescenteEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...