Kabanata 23

504 15 14
                                    

"Dahil Mahal kita. Mahal kita Hero, mahal.... na mahal"


Hinayaan kong bumagsak muli ang isang butil ng luha sa aking pisngi. Hindi ko inalis ang tingin ko sa mga mata niyang gulat na gulat. Tila hindi makapaniwala, na maging ako ay hindi rin makapaniwalang masasabi ko ngayon na mahal ko siya. Matagal ko ng gustong sabihin kanya pero naduduwag ako. Pinanghihinaan ako ng loob. At ngayon nasabi ko narin naman, hindi ko na palalampasin ang pagkakataon na sabihin sa kanya ang lahat.


"Narinig mo? Mahal kita Hero! Kaya huwag ka ng magtaka kung bakit ganito ako kaemosyonal pagdating sa'yo! I care for you so much na kahit isang linggo ka lang nawala, para na kung mababaliw kakaisip kung nasaan ka"


His eyes is still on me, litong lito at 'di parin makapaniwala. Unti unting gumalaw ang bibig niyang nakaawang pero walang salita na lumabas. Nagpatuloy ako.


"Having you around is enough to make me happy, even when you don't utter a word. Hindi mo lang alam na maraming beses akong nagdasal na sana ako nalang ang minahal mo, na sana ako nalang ang niligawan mo at hindi siya. Because seing you with Eirene together was......Hell. Parang sinasaksak ng isang daan beses ang puso ko sa sakit"

"Tapos iiwasan at gaganituhin mo lang ako! Pagkatapos mong iparamdam sa akin na espesyal ako, na importante ako sa'yo iiwan mo ako sa ere!" Itininulak ko siya dahilan para mabitawan niya ako. Hindi pa ako nakontento, nilapitan ko siya at hinampas hampas ang dibdib "Ano Hero! Bakit hindi ka makapagsalita? Hindi mo alam kung ano sinakripisyo ko para lang makasama
ka....tapos....tapos..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko, napahagulhol na ako. Naalala ko ang pamilya ko, kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana hindi na ako nagtagal dito sa San Jacinto. Sana umuwi na ako sa Manila para kasama ko 'yong pamilya ko. Hindi iyong nagiisa na nga ako, nasasaktan pa dahil lang sa walang kwentang pagibig na 'to.


"Anong drama 'to Ella?" Sa wakas nagsalita na rin siya, ngunit hindi ko inaasahan ang naging reaksyon niya. Ang mukhang niyang gulat na gulat ay unti unting nagdilim "Ano, nagaway kayo ng boyfriend mong hilaw kaya mo sinasabi sa akin iyan?"


Natulala ako sa kanya. Hindi makapaniwala sa nakikitang reaksyon galing sa kanya.

"Akala mo ba hindi ko alam na kayo na ni Lemuel? Tama ako 'diba? Kayo na ng hilaw na lalaking iyon! At matagal na!"

"H-hindi ko siya boyfriend Hero!"

"Wag mo akong gawin tanga! Sinong babae ang makikipagkita sa madilim na parte ng resort sa disoras ng gabi? Sinong babaeng ang pakikipaghalikan sa lalaking hindi naman niya boyfriend?"


Hindi ako nagsalita. Naalala ko ang mga panahon na nasa resort kami at ang araw na makikipagkita sana ako kay Lucas pero pinigilan ako ni Lemuel.

"May padrama drama ka pang nalalaman no'n. Paiyak iyak ka pa na akala mo aping api ka. 'Yun pala kinukuha mo lang ang loob ko para hindi ako manghinala sa balak mo. Akala ko concern ka sa akin dahil sa loob mo ako pinatulog, 'yon pala ginawa mo lang iyon para madali kang makalabas"

Umiling iling ako. "H-hindi totoo 'yan Hero"


"Bakit hindi mo nalang sinabi na balak mong makipagkita kay Lemuel ng gabing iyon? Hindi naman ako magagalit, sasamahan pa nga kita! Ihahatid pa kitang ng buong buo! Ahhh..akala mo siguro magseselos ako? No Ella, never ever kung pagseselosan ang lalaking iyon dahil unang una, wala akong gusto sa'yo. Hindi kita mahal Ella. Kahit magyakapan o maghalikan pa kayo sa harapan ko, wala akong pakialam!"

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon