Kabanata 21

443 15 8
                                    

"Ano?"

Nakatulala ako ngayon kay Hero. Hindi makapaniwala sa narinig. Ang mommy ko malandi? Kabit?

Napahawak ako sa wall ng bahay niya nang maramdaman ang panghihina ng tuhod ko. Gusto ko siyang lapitan at sampalin dahil sa pinagsasabi niya tungkol kay mommy pero hindi ako makakilos. Nanginginig ang tuhod ko. Hindi ako makapaniwala sa narinig mula sa lalaking mahal ko. Sinabi niyang malandi ang mommy ko. Ang mommy ko kabit ng tatay niya?

"Anong sinabi mo Hero?" Ulit na tanong ko. Nagbabakasakali na baka nagkamali lang ako ng rinig. Ngunit imbis na sagutin, muli siyang naupo sa sofa at yumuko. Nag iinit ang sulok ng matang pinagmasdan ko siyang hinihilamos ang sariling palad.

Naramdaman ko ang panghihina ng katawan ko, gusto ko siyang sigawan pero kulang ang lakas ko para magawa iyon. Naramdaman ko ang muling pagdaloy ng luha sa pisngi ko, hanggang sa kumidlat ng malakas. Napatakip ako sa sariling tenga at tuluyan na akong napaupo sa sahig.

"Tama na!" Sigaw ko ng muling kumidlat ng malakas. Napahagulhol na ako, ayoko ng nakakarinig ng ganitong tunog. Pakiramdam ko  muli na naman nauulit ang nangyaring massacre.
Kung saan paulit ulit na pinagbabaril ng mga killer si Nathalie at si Tito Henry.

"Ella?"

"Tama na sabi!" Malakas na sigaw ko sa gitna ng malakas na kidlat at kulog.

"Ella anong nangyayari sa iyo? Bakit--" hindi ko na narinig pa ang sinabi ni Hero, naramdaman ko nalang bumagsak ang katawan ko sa sahig bago mawalan ng ulirat.




Umiiyak si Nathalie habang tinututukan ng baril ng isang lalaki. Paulit ulit siyang nagmamakaawa sa lalaki na huwag siyang sasaktan. Pero walang awa ang lalaki, binaril parin nito si Nathalie. Umalingawngaw sa pandinig ko ang sunod sunod na tunog.

"Hindi!" Napabangon ako sa kinahihigaan habang hinahabol ang hininga. Bakit palagi ko nalang napapanaginipan ang massacre? Bakit ayaw akong tantanan ng nakaraan ko? Hindi na ako si Ellaine ngayon! Ako na si Ella! Kaya pwede ba lubayan niyo na ako!

Pinunasan ko ang pisngi kong basang basa dahil sa pag-iyak ko habang natutulog. Pagkatapos, inilibot ko ang mga mata ko sa paligid. Nasa kwarto ako ni Hero, ang huli kong natatandaan magkaharap kami kanina. Nakarinig ako ng malakas na kulog at kidlat at hindi ko na alam ang sunod na nangyari.

Naramdaman ko ang pag ikot ng paningin ko ng subukan kong kumilos. Ilang segundo ko munang pinahupa ang hilo ko bago hinawi ang makapal na kumot na nakadagan sa katawan ko. Patayo na sana ako ng mapansin ang legs ko. Wala na ang mahabang palda na sa suot ko kanina, hindi nadin blouse ang suot ko dahil sa na iyong plussize na Tshirt.

Shit! Ano tong suot ko?

Kinabahan ako, mabilis kong kinapa ang suot kong panloob. Nakahinga ako ng maluwag ng makitang suot ko pa naman ito.

Bumukas ang pinto. Nataranta ako dahil nakapanty lang ako, mabilis kong hinawakan ang makapal na kumot at binalik sa katawan ko.

"Gising ka na pala" Napatingin ako sa pinto at tumambad sa akin ang gwapong mukha ni Hero. Naka jersey short siya at naka Tshirt na white. Maaliwalas na ang mukha niya 'di tulad kanina na galit na galit. "Kamusta pakiramdam mo?"

Sa halip na sagutin, tiningnan ko siya ng masama "Anong ginawa mo sa akin? Bakit iba na 'tong suot ko?"

Ibinaba niya sa maliit na mesa kaharap ko ang isang tray na may lamang kanin at mainit na sabaw saka umiwas ng tingin "Basang basa ka kaya pinalitan ko ang damit mo"

My Annoying HeroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon