"Anong sinabi mo?" Naistatwa ako sa kinatatayuan ko at lumingon sa kanya "P-patay na ang kapatid mo?"
"Oo. Matagal na"
Hindi ko alam pero bigla nalang ako nanlamig sa sagot niya. Patay na si Nathalie? Paano nangyari iyon? 'Diba kakaluwas niya lang sa manila para puntahan ito?
"Pero....akala ko ba pinuntahan mo pa siya sa maynila? 'Diba umalis ka dahil pinuntahan mo siya? Kung ganoon, sino ang pinuntahan mo doon?" Sunod sunod na tanong ko. Hindi parin ako makapaniwala.
"Pumunta ako sa puntod niya. Gusto ko siyang makasama sa birthday niya kaya binisita ko ang puntod niya"
Tuluyan na akong nanlamig. Ang buong akala ko talaga buhay ang kapatid niya. Sa ilang buwan namin na magkasama, naniwala akong buhay pa ito. Hindi ko pa nakikilala si Nathalie pero ang malaman na wala na pala ito, nagpapalungkot sa akin. Kung ganon, hindi pala maganda ang sinapit ni Nathalie sa kamay ng ama niya at sa kabit nito dahil maaga siyang nawala.
Ilang segundo ko hindi inalis ang mata kay Hero. Nakaupo parin siya habang tulalang nakatingin sa karagatan. Nakaramdaman ako ng awa para sa kanya. Kaya pala ni minsan hindi siya nagkwento tungkol sa pamilya niya. Kaya pala ayaw niyang pagusapan ang mga bagay na may kinalaman sa pamilya niya. Dahil hindi niya parin tanggap ang sinapit ng ina at kapatid niya. Walong buwan kaming magkasama pero hindi ko man lang nahalata iyon. Ako yata ang manhid.
Muli akong naupo sa tabi niya at tumingin din sa dagat. Nasasaktan ako pero hindi ito ang oras para magdrama ako. Kailangan ni Hero ng kaibigan, kaiibigan na maiiyakan.
"Matagal na tayong magkakilala pero ni minsan wala akong binanggit tungkol sa pamilya ko. 'Yan ang dahilan Ella, ayoko ng maalala ang nangyari sa buhay namin. Ayoko ng maalala pa ang sinapit ng kapatid ko"
Hindi ako kumibo. Naalala ko ang sinabi ni tiyang Sandra noon na galit siya sa mga babae. Ngayon lubos ko ng nauunawaan kung bakit. Tulad ng sinabi ko noon, galit siya dahil isang babae ang dahilan ng pagkawasak ng pamilya niya. Pero bakit ganoon? Bakit hinayaan ng tatay niya at kabit nito na mawala si Nathalie? Bakit inalayo pa ito kung papabayaan din naman? Bakit? Napakabata pa ni Nathalie para mamatay. Marami pa siyang pwedeng gawin marami pa siyang mararating sa buhay bakit naman agad binawi ang buhay niya.
"Noong nawala si Nathalie, para akong pinagsakluban ng langit at lupa. Nagalit ako sa lahat, sa mundo. Pakiramdaman ko, pinagkaitan ako ng pagkakataon para maging masaya. Wala na nga si nanay, nawala pa ang pinakamamahal kong kapatid"
"Tang ina kasi nung tatay kong iyon. Kung gusto niya sumama sa babae dapat siya nalang! Dapat hindi niya na sinama si Nathalie!" Patuloy niya. Ramdam na randam ko ang galit sa mga sinabi niya "Nang dahil sa kanya nawalan ako ng kapatid. Wala siyang kwentang ama! Hayop siya!"
"Hero" Hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya. "Wag kang magsalita ng ganyan. Tatay mo pa rin siya. Alam kong wala ako sa posisyon para magsalita ng ganito pero sa tingin ko hindi maganda kung patuloy mong kikimkimin ang galit diyan sa puso mo. Kahit gaano man kalaki ang nagawang kasalan ng tatay mo dapat matuto kang magpatawad"
"Nasasabi mo lang iyan dahil hindi ikaw ang nawalan" umiwas siya ng tingin. Nakikita ko ang mga luha sa gilid ng mata niya.
"Nawalan na rin naman ako, at alam ko ang pakiramdam"
"Hindi mangyayari ang lahat ng ito kung hindi dahil sa babaeng iyon. Sinilaw niya ang tatay ko sa pera. Inakit niya ang tatay ko sa yaman niya. Dapat sila nalang ang nawala!"
Hindi ako kumibo. I feel sorry for him. Kahit ako nakakaramdam ng galit doon sa babae ng tatay niya. Bakit kailangan niya pang manira ng pamilya?
BINABASA MO ANG
My Annoying Hero
Teen FictionEvery girls wanted to have a superhero. 'Yung superhero na magliligtas sa'yo sa kapahamakan, magtatanggol sa mga kaaway at higit sa lahat, isang superhero na handang magbuwis ng buhay mailigtas ka lang sa tiyak na kapahamakan. But what if ang matag...