...
Minsan ba naisip mo sa mga oras na to na eto na ang huli... Na baka wala ka ng bukas na maabutan at kung sakali gugustuhin mo na makasama mo lahat ng taong mahalaga sayo, kasi baka sa isang iglap lang maglaho ka nalang ng tuluyan.
Kaya habang gising kapa sinusulit mo bawat oras, bawat minuto, bawat segundo na maari mong magamit para lang magawa lahat ng gusto mo na para kahit hindi kana abutan ng bukas naiparamdam mo sa mga mahal mo kung gaano mo sila pinapahalagahan higit pa sa inaakala nila.
Bawat salitang sinasabi mo may ibigsabihin, lahat ng payo mo na pwedeng makatulong sasabihin mo, para kasi sayo kailangan mo ding ipaalam sakanila na mahalaga sila sa pamamagitan salita. "Mahal kita"
"Salamat"
At
"Patawad"
Iilang salita na malalim ang ibigsabihin, na alam mong kapag narinig nilang sinabi mo madaling maintindihan pero higit sa lahat may isang salita ka nalang na maaring makapanakit sakanila kapag nasabi mo...
"Paalam"
Mahirap sabihin ang salitang paalam eh, malalim at masakit kapag ito ay sinabi mo sa maling paraan. Ganun pa man sasabihin at sasabihin mo parin yan aa bandang huli.
Oras ang kalaban mo pati narin ang pangyayari mahirap maging kampante, kaya habang nandiyan pa.
Habang nakakausap mo pa,
Habang nahahawakan mo pa siya,
Habang nakakasama mo pa,
Wag mong sayangin lahat. Sulitin mo kasi mahirap maging kampante sa buhay na alam mong pinahiram lang sayo.