Risk

38 0 0
                                    

...

"Take a risk" sabi nila.

Ang daling sabihin pero pag ikaw na ang nasa sitwasyon ko kaya mo bang gawin yan? Kung alam mong ang nakataya ay ang puso mo.

Handa ka bang ibigay ang puso mo sa isang taong nagsusumamo para lang makuha ito, na kapag binigay mo sakaniya alam mong magkakaroon siya ng karapatan para basagin ito.

Kaya mo bang isugal lahat ng paniniwala mo para sa mga paniniwala niya? Kaya mo bang tanggapin ang pagkakaiba niyo at initindihin ang isa't isa.

Handa ka bang masaktan ng paulit ulit ng dahil sa taong yan? Masasaktan at masasaktan ka talaga kailangan mo lang ng tamang tao para masabi mong okay lang masaktan basta dahil sakaniya.

Kaya mo bang ipaglaban ang nararamdaman mo para sakaniya hanggang dulo? Kakayanin mo bang ipagpatuloy ang bagay na sisimulan mo ng hindi iniisip kung paano ito tatapusin kasi alam mong hindi mo kailangan wakasan ang isang napakagandang bagay.

Handa ka bang manatili sa tabi niya kahit anong mangyari? Kahit pa ipakita niya sayo kung ano talaga siya at kung gaano ka gulo ng pagkatao niya, kaya mo bang manatili sa tabi niya at amuhin siya.

Kaya mo bang tanggapin lahat ng pagkakamaling magagawa niya? Mahirap magpatawad ng paulit ulit at mahirap magpasensya pero kung iisipin mo wala namang mawawala kung gagawin mo yon.

Handa ka bang magmahal ng taong alam mong hindi perpekto pero alam mong tunay ang nararamdaman para sayo? Kasi kung oo makakaya mong isugal ang puso mo para sakaniya ng walang bahid ng takot at pangamba na baka isang araw tuluyan ka nalang niyang bitawan.

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon