Pinipilit pigilan mga luhang nakaabang ng bumagsak ano mang oras, tahimik na kinikimkim sama ng loob ng ilang taon gusto ng kumawala at magwala pero hindi dapat kasi maling mali siya sa lahat.
Pikit mata niyang hinaharap ang umagang sakaniya ay mapakla, lahat ng tao ay nagmamatiyag sa susunod na kapalpakang kaniyang gagawin. Sanay na siyang mahusgahan ngunit masakit paron kahit kasi ang mga taong mahal niya ganun din ang turing.
Gigising at hahangarin na sana maging okay na ang lahat pero mabibigo dahil hanggang sa pagtulog walang nag bago, ang tingin sakaniya ng mga tao ay malaking pagkakamali.
Hahanap ng paraan mapatunayan lamang ang sarili ngunit lalo lamang siyang lumalapit sa bingit ng kanyang kasawian, bubuoin ulit ang sarili para lamang mawasak ulit.
Mabubuo
Mawawasak
Mabubuo
Mawawasak
Paulit ulit hangga't siya'y napagod hinayaan nalang na ang wasak niyang sarili ay patuloy na mawasak.
Mawawasak
Mawawasak
Mawawasak
Hanggang siya'y maging abo, susuko nalang at tatakbo. Malayong malayo sa mga tao.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.