3:51 am thoughts (03/31/17)

32 0 0
                                    


"Do I deserve you? "

Paulit-ulit kong tinatanong sa sarili ko, kung karapatdapat ba ako sa pagmamahal mo kasi hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na may darating na "ikaw" sa buhay ko.

Tinatanong ko ng paulit-ulit sa sarili ko kung anong ginawa ko para ako ang piliin mo? Para mahalin mo ng ganto at para alagaan mo ng ganto.

Karapatdapat nga ba akong mahalin ng isang tulad mo na wala ng ginawa kundi ipakita sa akin kung gaano ako kahalaga.

Ang isang ako na wala namang magawang tama para sayo, ang isang ako na di hamak na mababa lang ang tingin sa sarili di gaya ng iba.

Ang isang ako na hanggang ngayon hindi makapaniwala na ako ang mahal mo.

Yung ako na parati ka nalang pinag-aantay ng matagal.
Yung ako na hindi naman kagandahan pero nakukuha mo paring tingnan ng matagalan.
Yung ako na wala ng ginawa kundi pabigatin ang iyong kalooban.

Kaya wag kang magtaka kung bakit tinatanong ko parin sa sarili ko kung karapatdapat ka nga ba para sakin, kasi kahit gaano kita ka mahal kung pasakit lang naman ang dala ko hindi talaga maalis sa isip ko ang mapatanong ng...

"Do I deserve you?"

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon