...
Mali ba na isipin ko na hindi totoo ang lahat? Na sa isang iglap bigla ka nalang mawawala gaya ng pagkawala ng lahat.
Mali ba na isipin kong pupwede naman sana kaso nakakatakot lang? Natatakot ako na baka isa lang malaking biro ito ng tadhana, na baka bigla kang matauhan at sabihing "itigil na natin 'to."
Mali ba na isipin ko na ikaw ang una at huli? Na sana magtagal ang isang bagay na hindi pa nasisimulan pero gusto kong wag na matapos.
Mali ba na isipin ko makakaya mong intindihin ang isang tulad ko? Na kahit ako minsan ay hindi ko maintindihan ang sarili ko na sa lahat ng katangahan ko ay matatanggap mo parin ako.
Mali ba na isipin ko na totoo ang lahat ng to na may isang taong naglakas ng loob na gustuhing pasukin ang magulo kong mundo at makigulo rin sa mga bagay na tumatakbo sa isip ko?
Mali ba na isipin kong ikaw ang tama para sakin?
Mali ba?
Kasi kung sakali...
Isusugal ko ang puso ko maitama lang ang lahat.
