-
Gusto kong masaksihan ang paglubog ng araw.
Maghihintay ng bukang liwayway na ang tanging ingay na maririnig ay ang iyong tawa.
Naka-pikit ang mga mata mananalangin, na sa pag mulat ko sana ay makita mo rin kung ano ang nakikita ko...
Kung gaano ka ka-halaga at kung gaano ka minamahal ng mga tao sa paligid mo.
Na maisipan mo rin mahalin ang sarili mo, gaya ng pagmamahal ko sayo.
