...
Nagtungo sa carnibal kasama ang panibagong mga taong nakilala,
Una'y nagdadalawang isip ngunit sa huli ay nagbaka sakali,
Nagbaka sakaling malilimutan ang problema at bigat na nadarama.Iba ang kasama mga kaibigan na ngayon lang nakapalagayan ng loob,
Masaya.
Nakakakaba.
Mahinahon.Ngunit lingid sa kaalaman ng mga taong nasa paligid niya wala siya sa kanyang sarili.
Sumakay sa isang ride kasama ang isang kaibigang lalaki,
Akala niya siya'y mag iisa ngunit hindi naman pala.
Habang nasa itaas ng ride nakatingin lang siya sa langit pinagmamasdan ang kakapiranggot na mga bituin na kanyang nasisilayan,
Katabi niya ang lalaki at tahimik lang silang magkatabi.Ang kaba sa puso dahil sa thrill na nararamdaman ngayon nalang ulit siya makakaramdam ng lakas ng loob at may halong takot,
Umandar.
Nagpaikot-ikot.
Aangat.
Bababa.
Paulit-ulit.
Bibibilis.
Hihinto.Sumisigaw siya. Sigaw ng hindi dahil sa takot kung hindi dahil sa saya, gusto na sana niyang umiyak pero hindi maari.
Nakakahiya.
Matapos ang ikot ng sinasakyan nanatili parin sila doon tahimik lamang pero nakangiti na siya,
Masaya naman pala. Masyado lang siyang nagpadala sa bigat na kanyang nararamdaman.Kaya sa carnibal na iyon kasama ang mga bagong kaibigan kinalamutan niya muna ang lahat ng nagpapabigat sa damdamin niya at pinaniwala ang sarili na masaya siya.
