#33

39 0 0
                                    

---
Nangingilid ang luha sa aking mga mata na nag sasabing "miss na kita"
Ilang linggo ng hindi nagkikita at wala ng ibang ginawa kundi ang tumulala,
Masama ang loob dahil di makatakas patungo sayo.

Ilang araw na ang lumilipas tila may nagbago nagtatampo ka na ba aking sinta?
Ilang ulit ko mang sabihing "miss na kita" tila balewala,
Ang pangungulila na nararamdaman ay tila lalo lang nadadagdagan.
Bawat oras alam kong mahalaga kasi matagal na panahon na naman tayong hindi magkikita muli.

Nanalangin sa mga bituin na sana tayo'y paglapitin,
Ayunan ng tadhana ang pagkakataong tayo ay magtagpo.
Kahit saglit lang madama ko lang ulit ang higpit ng yakap mo.

Sinta patawarin mo sana ang isang tulad kong mahina,
Mahal na mahal kita sana nadarama mo maibsan man lang ang kalungkutan na naidulot ko sayo.
Pagtagpuin sana tayo ng ating mithiin kahit hanggang sa pagtungtong lang ng oras na tinakda.

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon