—
Alam kong pagod ka na kakasabi sa sarili mo na kaya mo yan, kayanin mo yan
Alam kong pagod ka na sa pag-gising kada umaga na mugto ang iyong mga mata,
Alam kong pagod ka na,
Nakakapagod nga namang mabuhay.
Alam kong pagod ka ng mapagod at gusto mo na namang sumuko,
Hawak ang patalim naiisip mo na namang tapusin nalang lahat ng ito.
Pero alam ko kahit pagod ka na di mo kayang kitilin ang sarili,
Paano mo nga naman papatayin ang taong matagal ng patay,
Ang taong pinatay na ng lipunan ang pangarap.
Unti-unti siyang nauupos, naubos hanggang sa tuluyan ng naglaho, napagod.
Alam ko napapagod ka na, pero sana alalahanin mo yung mga taong hindi napagod mahalin ka.
Yung mga taong hindi sumuko para manatili ka,
Yung mga taong nakakaranas din ng pagod pero kailanman hindi piniling iwanan ka.
Alam kong nakakapagod mag-isa pero wag ka mag-alala hindi ka na mag-iisa, sasamahan kitang magpahinga, sabay tayong maghilom.
Alam kong hindi madali pero sabay nating kayanin to.