Ala-ala

42 0 0
                                    

...

Sabi ng tadhana ikaw ang dapat makasama

ngunit bakit tila sa isang iglap ikaw ay nawala,

nagkamali lang siguro si kupido ng pag baling

ng kanyang pana, hindi ikaw ang sa akin naka-tadhana.


Makailang ulit nag mahal, na bigo pero eto parin ang damdaming

hindi na magbabago, pilitin ko man na limutin ka may mga bagay

pa rin na sadyang ikaw ang pinapaalala.


Bago matapos ang lahat hinanap ko ang dahilan ng iyong biglang paglisan,

pero kahit isa wala parin akong ideya.

Minahal mo naman ako diba? kasi mahal parin kita.

Pero sa ngayon alam ko masaya ka na kung nasaan ka man ngayon.


Biglaan ang lahat, simula sa ating pagkikita hanggang sa pagkahulog ko

sayo. Napaglaruan man ng tadhana na ikaw ay bigla nalang niyang kinuha,

ayos lang basta alam ko kapiling kana ng maykapal.

Hindi ka man lang nagpaalam natakot ka ba na ako'y masasaktan?


Lumipas man ang oras, minuto, segundo maging ang araw

buwan o ang taon alam ko sa puso ko mananatili ka parin dito.

hindi man kita masilayan ulit o kahit mayakap man lang,

sa alaala ko naririto ka.


Naka ngiti at masaya.

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon