Dapat ba?

46 0 0
                                    


...

Dapat ba akong kabahan para sa nararamdaman kong alam kong may kasiguraduhan?

Dapat ba akong maging masaya dahil alam kong nandiyan kana?

Dapat ba akong maging kampante kasi alam kong ikaw na?

Dapat ba akong mag alala kasi baka pag gising wala ka na?

Dapat ba?


Dapat ko bang isipin na tayo talaga hanggang huli?

Dapat bang hindi ako mangamba kasi alam kong hindi ka lilisan?

Dapat ba?


Dapat ko bang papaniwalain ang sarili ko na ito talaga ang realidad?

Dapat na ba akong magising kung panaginip lang ito?

Dapat ba akong mangarap ng kasama ka?

Dapat ba?


Dapat ko na bang ipagmalaki na ikaw na talaga ang una at ang huli?

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon