Tama ba?

48 1 0
                                    

...

Tama bang umasa ako na kaya mong panindigan ang mga pinangako mo? Na sa lahat ng magagandang sinabi mo ay kaya mong patunayan lahat ng iyon.

Tama bang isipin ko na makakaya mong pigilan ang lahat ng gumugulo sa isip ko? Na sa lahat ng bagay makakaya mong pakalmahin ang isang parte ng katauhan ko na hindi ko makontrol.

Tama ba na isipin ko na ako nadin ang una at huli mo? Na sana hindi mapagod ang puso mo at hindi maglaho ang nararamdaman mo para sakin.

Tama ba na isipin kong kahit kailan hindi ka bibitaw? Kahit gaano kahirap ng sitwasyon na maaring maglagay sayo sa puntong gusto mo nalang bumitaw dahil sakin.

Tama ba na ako ang piliin mo? Na hindi ka magsisisi dahil sakin ka nahulog at hindi sa iba na alam ko naman mas higit pa sa isang katulad ko.

Tama ba na isipin kong kaya mong maging masaya dahil sakin? Dahil sa isang tulad ko na natatakot na na maging masaya dahil kinain na ng kalungkutan.

Tama ba na isipin kong makakaya mong masaktan para sakin? Kasi alam ko masasaktan at masasaktan kita.

Tama pa ba na ituloy mo to...

Kasi kung tama,

Pipilitin kong wag magkamali.

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon