...
Sa lahat ng taong dumating sa buhay ko kayo lang yung hinihiling ko na wag ng umalis, hindi ko ata kaya na isa sainyo ang mawala.
Sa lahat ng taong minamahal ko sainyo lang ako nakaranas na kahit masaktan okay lang kasi alam kong mamahalin niyo rin ako pabalik at nasasaktan rin kayo kapag nasasaktan ako.
Sa lahat ng taong iniyakan ko kayo lang ang nagpahalaga ng luha ko, at kayo lang din ang napaiyak ako dahil sa saya.
Sa lahat ng taong iniwan ako, kayo lang siguro ang hindi ko kayang mawala sakin mahalaga kayo sakin kaya sana manatili kayo.
Sa lahat ng taong pinakawalan ko, kayo lang pakakawalan ko kasi alam kong babalik kayo.
Sa lahat ng naging kaibigan ko, sa inyo ko lang naramdaman na hindi ako nag iisa at hindi na ako mag iisa. Tinuruan niyo akong maging matatag at tumayo sa sarili kong mga paa, inalalayan nung mga panahon na hindi ako makatayo dahil lugmok na lugmok ako, minahal niyo ako kahit na hindi ako perpekto, tinanggap ng buo ang pagkatao ko, niyakap ang lahat ng katangahan ko, binatukan ako para matauhan na dapat kong malaman ang halaga ko na karapatdapat akong mahalin.
Kayo yung hindi perpektong kaibigan pero alam kong maasahan ko.
Kayo ang kahulugan ng pagiging totoong kaibigan para sa akin.
Kayo ang patunay na kapag mahalaga sa isang tao sasabibin niya ang totoo kahit pa masaktan kaysa maniwala ka sa kasinungalingan.
Kayo ang mga kaibigan na hindi maninira patalikod kasi sa harap mo nila mismo sasabihin lahat ng kamalian mo.
Kayo yung kaibigan na gusto kong makasama sa tagal ng panahon.
Kaya naman higit akong nagpapasalamat dahil sa lahat ng taong dumating sa buhay ko sainyo lang ako nakaramdam ng pagiging kuntento.
Kuntento na ako kahit kayo lang ang manatili sa buhay ko.
Kaya sana...
Sana...
Wag niyo akong iwan :) please?
- Kai :)