Hindi ikaw

45 0 0
                                    

...

Hindi ikaw yung Ideal guy pero gusto kita.

Hindi naman talaga ikaw yung tipong perkpektong lalaking nasa isip ng karamihan,
hindi ka ganun ka gwapo sa paningin ng iba,
Hindi ka man kasing bait nila may bisyo ka man tanggap kita kasi ikaw yan,
Hindi ka man kasing porma ng iba wala akong paki hindi naman tayo modelo,
Hindi ka naman ata mahilig sa basketball? Hindi ko naman alam lahat ng hilig mo pero aalamin ko makilala lang kita ng husto.

Matalino ka pero hindi ka nerd, kaya nakakatako pag kakausapin kita alam ko kasing magmumukha na naman akong tanga, nakakatanga ka kausap minsan pero okay lang masaya naman ako kausap ka.

Wala man tayong pagkakapareho okay lang.

Pero bakit ba gusto kita? Hindi ko din alam magulo pala talaga kapag ganto. Slow ako sa ganto.

Pero kahit ganun wala naman talaga kasi akong ideal sa totoong buhay kasi lahat ng nagugustuhan ko nasa libro o kaya sa pelikula lalo na nasa Anime.

Simple lang naman ang gusto ko makilala kapa ng husto :) kahit hanggang kaibigan lang okay na ako wala naman akong planong palalimin pa to.

Masaya na akong kahit papano naramdaman ko lang ulit yung ganto.

InsomniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon