Chapter 4: Life Saver

185 1 0
                                    

Days passed…

Habang naglalakad si MJ papasok ng school, nakita niya si Angellie na may kasamang guy.

“alam mo, kung ayaw mong maniwala na busy ako, hindi naman kita pinipilit eh! eh sa hindi nga ako nakatawag kagabi. Alam mo, daig mo pa ang nanay ko. Sorry to say this Angellie, pero, nasasakal na ko masyado sa’yo eh. mabuti pa siguro, magkaroon muna tayo ng space sa isa’t isa. I need some time with myself, yung ako lang. ikaw din, kailangan mo rin non. Goodbye Angellie.”

Nakita ni MJ ang pag-upo ni Angellie sa isang tabi na umiiyak.

Nagulat si Angellie ng may biglang nag-alok sa kanya ng panyo. Napalingon siya para alamin kung sino ito, much to her surprise, si MJ pala.

“MJ? (kinuha ang panyo ni MJ) thank you.”

“sige, iiyak mo lang.” pinasandal niya sa kanya si Angellie.

“MJ, hindi ko na alam ang gagawin ko. sana pala pinaniwalaan ko na yung mga sinabi nila Joanna about him. Ako lang kasi tong naging tanga eh. bakit kasi lahat ng taong nagmamahal kailangan pang magpakatanga.”

“alam mo Angellie, part ang pagiging tanga ng isang taong nagmamahal. Nasasaktan ka ng ganyan, kasi nagmahal ka. nasabi mo kanina na sana pinaniwalaan mo nalang yung mga sinasabi nila Joanna? ano bang sinabi nila?”

“nakita daw nila na may kasama siyang ibang girl. Sobrang sweet daw.”

“ahh, hayaan mo na siya, alam mo, may mas deserving pa dyan sa pagmamahal mo, (nasa isip ni MJ: “tulad ko.”) tulad nga ng laging sinasabi ni Aki sa’min, marami pang isda sa dagat.” Natawa tuloy si Angellie sa sinabi ni MJ na yon.

“oh ayan, medyo napapatawa na kita. Kaya tama na yan, okay? halika na. baka ma-late pa tayo. ”

“MJ, thank you ah.”

“wala yon. Don’t worry, sa’tin dalawa lang to.” Nakangiti naman itong sinabi ni MJ kay Angellie.

“hmm, malalaman din naman nila ‘to eh. pero, thank you na rin.”

“okay lang yun ano ka ba. tara na.”

(Song: Hero – Enrique Iglesias)

Sa classroom…

“ah, so talagang, wala na?” tanong ni Joanna kay Angellie.

“wala na.”

“STHT (sorry to hear that), Gel.” sabi naman ni Schai na niyakap ang kaibigan.

“don’t worry Angellie, tutulungan ka namin maka get over.” Sabi naman ni Nadine.

“okay ka na ba, Gel?” tanong naman ni Rose.

“ang plastic ko naman kung sasabihin kong oo di ba? siyempre, it will take me months or weeks para kalimutan siya. Pero, don’t worry, pipilitin kong maging okay. Thank you girls ah? nandyan kayo palagi para sa’kin.”

“oo naman no. okay lang yun. I mean, that happens, right? That’s why we get you.” Sagot naman ni Schai.

“alam niyo, buti nalang, nandun si MJ, kung hindi, baka kung ano pang nagawa ko sa sarili ko.”

“talaga? So, alam niya lahat?”

“oo.”

“aww, may lifesaver. Hahaha!” pangaasar naman ni Rose.

“haay nako, buti ka pa may night and shinning armor, ako naman, ayun as usual, snabero pa rin. Napaka-manhid.” Sabi naman ni Nadine na disappointed kay AJ.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon