Chapter 51: Competition

33 0 0
                                    

Patuloy pa rin sa paghahanap si Aki, hanggang sa may nakita siyang babae na nakauniform ng pang school nila na sumakay ng taxi...

“si Schai na ba yon? Schai!” hinabol niya ang taxi, unfortunately hindi niya ito nahabol.

“ano ba yan. hindi ko na siya naabutan.” Panghihinayang ni Aki na napayuko nalang habang hingal na hingal sa katatakbo. Wala na siyang ibang nagawa kundi ang bumalik sa resto kung saan nandun ang mga kaibigan niya.

Malapit na si Aki nang may bigla siyang nakita,

Isang babae na umiiyak sa gilid ng resto na nakaupo sa isang bench..

Napaluhod si Aki sabay alok nito ng panyo, “miss oh.” laking gulat nalang niya ng makita niyang si Schai pala ang umiiyak na yon.

“Schai?! Schai, I’m sorry, (hinawakan niya ang mukha ni Schai, sabay punas ng mga luha) sorry.” Pagaapologize ni Aki na naiiyak na rin. “sumimasen (sorry). sumimasen (sorry).” Dadag pa ni Aki sabay halik nito sa forehead ni Schai, bigla naman siyang niyakap ni Schai.

“naguguluhan na ko, gulung gulo na! hindi ko alam kung ano ba talagang problema mo.” sabi naman ni Schai.

“Nagselos kasi ako kay Rico, tapos nakita ko pa kayo ni AJ na magkayakap kanina.” Pagpapaliwanag ni Aki.

“niyakap ako ni AJ because he was comforting me. And Aki, please, si Rico kababata ko. there’s nothing going on between us.” Pagpapaliwanag naman ni Schai.

“inexplain na nila lahat sa’kin kanina, sorry babe. Sorry talaga sa mga nagawa ko. Aishteru.”

“love you too.” at nagyakapan ulit sila. sakto naman at kalalabas lang ng mga kaibigan nila galing sa resto.

“ayiieee!” pangaasar ng mga girls.

“yun oh!” pangaasar naman ng mga guys.

Bigla agad silang nagbitaw ng marinig ang asaran ng magbabarkada..

“ui! andyan pala kayo!”

“oo kaya! pero don’t worry, yung yakapan scene lang naman yung nakita namin.” pangaasar naman ni Nadine.

“ay sus. kayo talaga. oh, saan pa kayo pupunta?” tanong naman ni Aki.

“saan pa, edi syempre uuwi na. unless nalang, kung gusto niyo kami isama sa yakapan effect niyo dyan.”  sagot naman ni Arkin.

“haha! ganun ba? sige! (lumapit si Aki kay Arkin) Gusto mo, may kiss pa eh.” nakanguso na si Aki para kay Arkin nang bigla itong tumakbo.

“hoy Arkin! wag ka tumakbo! Ikkiss na nga kita eh!” sigaw ni Aki na hinahabol si Arkin.

Sobrang tawanan naman ang iba nilang kasama sa pagaasaran nila Arkin at Aki.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon