Sa Classroom...
Magisa lang si Aki sa loob ng room, natutulog sa desk niya...
Habang papunta na ang mga boys sa classroom..
“grabe, hindi na talaga pumasok si Arkin.” pamumuna ni Carlo.
“oo nga eh, tsk! MJ mamaya daan kami sa inyo ah? di ba nandun pa naman si Arkin?” tanong ni AJ
“oo, eh ayaw pa daw niyang umuwi sa bahay nila eh.” sagot naman ni MJ.
“teka, nasaan na ba sila Aki?” ayon kay Kiko.
“(pagbukas ng pinto ng classroom) baka naman- (nakita si Aki) oh, andito na pala siya eh. Aki my bro!” bati ni Caleb.
“as usual, tulog na naman.” pangaasar ni Carlo.
“nagsalita ang tulog mantika.” Sabay tawa ni Kiko sa pangiinis niya kay Carlo, na ikinagising tuloy ni Aki.
“ang ingay niyo naman, natutulog yung tao eh.” pagrereklamo ni Aki habang naguunat sa kinauupusan.
“oh ano, nakita mo na si Schai?” pagtatanong naman ni MJ.
“ha? oo.” malamyang pagsagot ni Aki.
“oh, eh bakit hindi mo kasama?” tanong naman ni Carlo.
“kasama niya yung kababata niya eh.” sabay pagdadabog ni Aki at umalis sa kinauupuan niya para lumabas.
“hmm, alam na, selos.” Pangaasar pa ni Carlo.
“ikaw talaga Carlo.” sabay habol ni MJ kay Aki.
“pre, okay lang yan. syempre na-miss lang nila ang isa’t isa di ba? ano ba kasing nakita mo?” tanong ni MJ.
“ang sweet nila kanina. May pa-kurot kurot pa sa pisngi.” sabay irap pa ni Aki.
“tsk! alam mo, dumating lang yang Rico na yan eh.” dagdag pa nito.
“oh, chill bro. ” tinapik naman ni Caleb ang braso ni Aki. “hayaan mo na si Schai, wala ka bang tiwala sa kanya?”
“kay Schai baby meron, pero parang dun sa Rico na yun, parang wala eh.”
“alam mo, kausapin mo nalang si Schai about dun, or kung hindi pa lumalamig yang ulo mo, (sabay paggugulo ni Caleb sa buhok ni Aki) wag mo na muna siyang kausapin, baka makasakit ka pa eh. Alam mo na, girls are sensitive, bro.” payo ni Caleb at bumalik na ito sa room.
That night...
Sa kwarto ni Schai..
“bakit kaya hindi pa siya tumatawag? Or nagtetext man lang?” tanong ni Schai sa kanyang sarili at hinagis ang phone sa may kama.
RRRRRRRIIIINNNNGGGGGG RRRRRRINNNNNNNG!
“haay nako, buti naman.” sabay tingin ni Schai sa phone, akala niya si Aki na ang tumawag.
“oh Angellie, napatawag ka?”
“uhmm Schai? Schai! thank you sa padala mo! thank you talaga!” excited na sagot ni Angellie.
“ha? anu yun?”
“yung NeYo concert tickets, Silly! Thank you ah? favorite kasi yun ni MJ eh.”
“aah, yun ba? ano ka ba, wala yon, i-enjoy niyo yung late celebration ng monthsarry niyo, okay?”
“yup! Sure we will! Thank you talaga ah? I love you soooo much! Mwah!”
“don’t mention it. Love you too!”
“sige, sleep na ko, late na kasi eh, ikaw din ah? goodnight! thank you ulit!” sabay baba ng phone ni Angellie.
“okay, bye.” Binaba na rin ni Schai ang phone.
“haay, akala ko naman siya na. tsk! matawagan nga si Nadz.”
RRRRRRIIIINGGGGGGGGG RRRRRINNNNNNG!!!
“hello? Hello Nadz!”
“Schai, what now? Dis-oras na ng gabi gising ka pa, may problema ba?” tanong ni Nadine na medyo inaantok pa, since nasira ni Schai ang tulog niya.
“Ha? Hindi pa naman ah? (pagtingin sa wall clock.) Nadine, bakit kaya hindi pa tumatawag si Aki? kanina hindi pa siya sumabay sa’min umuwi.” Pagaalalang tanong ni Schai.
“nagaway na naman ba kayo?”
“ha? uhmm, hindi? Hindi ko alam. pero kanina kasi tinatanong ko siya kung may problema siya, hindi naman siya sumasagot. Alam mo yun? parang nagmumukha akong tanga dahil parang wala akong kausap?” sabay buntong hininga ni Schai.
“alam mo, matulog ka nalang muna, baka kasi bukas okay na rin siya, diba? Tsaka baka kaya hindi siya nagttext sa’yo ngayon kasi baka walang load? Alam mo naman yun, hindi pala tingin sa phone.”
“sa tingin mo ganun?”
“oo girl, kaya please, tulog na tayo. super pagod ako ngayon, andaming school works. Sige Schai, goodnight.” at binaba na ng antok na antok na si Nadine ang phone.
“haay, itext ko kaya siya?” itetext na sana ni Schai nang... “or i-call?” pinindot ni Schai ang green button sa kanyang cellphone para matawagan si Aki since una ito sa speed dial niya.
Ring lang nang ring ang phone nito.
“tss. ang aga naman niya ata matulog ngayon.”
