Chapter 53: Rico's Feelings

31 0 0
                                    

After class...

Sa bahay ni Schai...

“Ante Baeng, si Rico po ba nakauwi na?” tanong ni Schai habang papasok sa pintuan.

“aba’y oo, kanina pa siya nandito. Nag-half day ata.”

“aah, kaya pala wala siya kanina nung Literature at sa last subject namin. pero, bakit hindi man lang siya nagsabi? Sige Ante, akyatin ko muna.” Paakyat na si Schai nang pinigilan siya ng tita niya.

“nako, ayaw magpaistorbo eh, masama daw pakiramdam niya. Mabuti pang bukas mo nalang siya kausapin, mukhang matamlay nung pag-uwi niya kanina dito eh.”

“ganun po ba? sige thank you Ante. Papasok na ko sa room ko.”

The next day...

“Good morning Ante!” bati ni Schai.

“Good morning din. Halika na’t magbreakfast ka na. oo nga pala, nauna na si Rico pumasok, may kailangan daw siyang ipasa na requirements ngayon sa school kaya umalis na ng maaga, mukhang nagmamadali.”

“ganun po ba? sige po.”

“at ito pa pala (may nilabas na pape sa bulsa) ipinabibigay niya sa’yo.” ayon sa tita ni Schai at inabot ang papel.

“ano kaya ‘to.”

(may sasabihin ako sa’yo, pumunta ka sa playground ng school, mamayang 6:45 ng umaga. May kailangang kang malaman. -Rico)

“ha? bakit hindi nalang niya sabihin sa’kin dito? Ayy Ante, anong oras na po?”

“(napatingin sa relo) 6:15 palang, bakit?”

“hala! sige Ante! Una na ko. babye!” nagmamadaling sabi ni Schai.

“teka Schai! hindi mo pa nauubos yung breakfast mo! nako, itong batang ‘to talaga.”

Sa Playground...

“Rico.” Hingal na hingal na bati ni Schai.

“Schai, ayos ka lang?” lumapit si Rico para tignan kung okay lang si Schai.

“oo, okay lang ako, ano ba yung gusto mong sabihin sa’kin at ayaw mong sa bahay nalang?” natatawang tanong ni Schai.

“ano kasi, (napakamot sa ulo) gusto ko sanang malaman mo na-” kinuha ni Rico ang kamay ni Schai.

“na?”

“gusto ko lang sanang malaman mo how much I love you. I love you more than a friend, more than a childhood bestfriend.” Pag-amin ni Rico na ikinagulat ni Schai, mas lalo pang nagulat si Schai nang yakapin siya ni Rico.

“Rico-” naputol na sasabihin ni Schai. hindi nila alam, kanina pa pala si Aki nakikinig sa kanilang dalawa. Umalis tuloy si Aki dahil hindi niya kayang makita na nakayakap si Rico kay Schai.

“Schai, (bumitaw sa pagyakap si Rico) alam ko. alam kong mali, dahil mahal mo si Hideaki. pero hindi ko na kasi mapigilan ang sarili ko na itago yung nararamdaman ko para sa’yo eh. kung alam mo lang kung gaano ako nasasaktan tuwing magkasama kayong dalawa. Mga bata palang tayo, gustong gusto na kita. Childhood crush, Puppy love, First love, True love, lahat ng love, name it! At hanggang ngayon, God knows pilitin ko man na kalimutan ka, hindi ko pa rin magawa. Ikaw at ikaw pa rin ang laman ng puso ko.”

“Rico, I’m sorry. I love you as a friend, okay?  As one of my close friends. At hanggang dun nalang yun, hindi ko maibibigay yung pagmamahal na hinihingi mo. I’m sorry pero yun lang ang kaya kong ibigay sa’yo.” tugon naman ni Schai.

“alam ko, pero parang feeling ko tuloy pati yung pagmamahal mo na yun, mawawala pa sa pag-amin ko, sorry pero kasi, I really can’t help it. I really love you. Kung hindi ko ‘to masasabi sa’yo, pagsisisihan kong inilihim ko pa ‘to sa’yo.”

“Rico, listen. kahit na inamin mo sa’kin ngayon yang nararamdaman mo, hinding hindi mawawala yung pagmamahal ko sa’yo bilang kaibigan. Naging parte ka na rin ng buhay ko no. So ano? Friends?” ayon naman kay Schai.

“Friends!” pangiting sagot naman ni Rico.

Sa Classroom...

Kakabalik palang ni Aki from the playground kung saan nakita niya sina Rico at Schai...

“bro, okay ka lang? ba’t parang badtrip na badtrip ka?” tanong ni Arkin na kino-comfort si Aki.

“hottoi te kure.” Ayon kay Aki.

“ha?”

“Iwanan mo muna ako.”

“kausapin mo nalang kami kapag okay ka na.” sabay alis ni Arkin.

“sige.”

Fast forward..

Lunch break... Cafeteria

Habang kumakain ang ibang girls, kadarating lang nila MJ, Caleb, Kiko & AJ.

“oh, nasaan yung iba?” tanong ni Joanna.

“uhmm, nag-CR pa sila eh.” sagot ni AJ na umupo na sa bakanteng upuan.

“gutom na kasi kami, kaya nauna na kami sa kanila.” Ayon naman kay MJ.

“except for me, gagawa ako ng assignment.” Sabi naman ni Kiko na nagsusulat na ng pangalan sa isang yellow pad. “ano nga palang date ngayon?” tanong pa ni Kiko.

“uhmm, 15?” sagot naman ni Nadine.

“hala! my god! Malapit na pala monthsarry namin ni Aki! OMG!” gulat na sabi naman ni Schai.

“hala ka!” panakot naman ni Caleb.

“mukhang kami naman ni MJ ang kailangang bumawi sa pagtulong mo sa’min.” pangiting sgot ni Angellie na napatingin kay MJ.

“oo nga, teka, kelan ba monthsarry niyo?” pagtatanong ni MJ.

“sa-” naputol ang sasabihin ni Schai ng may dumaan na guy papunta sa table nila.

“uy, yung isa sa mga kaibigan niyo, nakikipagaway sa boys CR!”

“what?!”

“tara puntahan natin!” sabay alis ng buong barkada.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon