Chapter 43: Farewell Rosalie

31 0 0
                                    

Rosalie’s house...

Habang papasakay si Rose ng kotse...

 “Rose!” sigaw ni Arkin na tumatakbo.

 “Arkin! guys!” agad agad na tumakbo si Rose sa mga kaibigan.

 “Hindi ka man lang nagsabi.” Malungkot na bati ni Schai.

 “oo nga.” singit naman ni Aki. Agad namang lumapit si Rose kay Schai.

 “Schai, sorry.” Naluluhang sabi ni Rose.

 “okay lang yun, mamimiss kita. Halika nga dito.” Naluluhang sagot ni Schai sabay binitawan ang kamay ni Aki para mayakap si Rose.

 “ang daya mo, (lumapit naman si Rose kay Joanna; hinawakan naman ulit ni Aki ang kamay ni Schai para i-comfort ito) iiwan mo na pala kami.” sabi naman ni Joanna at sabay niyakap si Rosalie.

 “pangako, babalik din ako agad. Kaya walang mangiiwan.” Pangiting sinabi ni Rose.

 “hindi pa namin malalaman na aalis ka kung hindi sinabi sa’min ni Arkin.” ayon naman kay Angellie. niyakap din siya ni Rose.

 “Gel, babalik ako, promise ko yan sa inyo.” Sagot naman ni Rose.

 “ingatan mo sarili mo dun ah?” ang sabi naman ni Nadine, sabay yakap sa kaibigan.

 “Nadz, kayo rin. (sabay bumulong kay Nadine) ingatan niyo si Arkin ah, please?”

 “basta para sa’yo.” pangiting sagot ni Nadine.

 “thank you. guys, sorry kung hindi ko nasabi sa inyo, ayoko lang kasi talagang magalala kayo sa’kin eh.”

 “mas magaalala kami kung umalis ka ng hindi nagpapaalam sa’min.” sagot ni MM.

 “aww, kuya MM, sorry talaga.” sagot naman ni Rose.

 “basta mag-iingat ka dun ah? mamimiss ka namin.” pangiting sagot naman ni MJ.

 “oo naman. ako pa! hmm, ako rin, mamimiss ko kayo.”

 “alam mo naman kung paano kami mac-contact di ba?” tanong ni Kiko.

 “oo nga, nandyan si facebook, si twitter, si multiply, si formspring, si tumblr, basta lahat!” singit ni AJ.

 “tama! wag lang sa txt, mahal magreply eh.” sagot naman ni Carlo.

 “basta Rose, take care of yourself, and always remember, may babalikan ka dito- (biglang napatingin si Rose kay Arkin, si Arkin naman nasa isang tabi lang) at kami yun, kaming mga kaibigan mo.” paalala ni Caleb.

 “thanks Caleb. buti nalang nakilala ko kayo. Guys, ingatan niyo mga girls ah? mahal ko yang mga yan! pag sinaktan niyo sila, uuwi talaga ako dito para awayin kayo. Hahaha!” Pagtataray naman ni Rose.

 “haha! oo naman Rose! ni isang patak ng luha ng babe ko, hindi mo makikita.” sabay yakap ni Aki kay Schai.

 “weh? Hindi nga?” pangaasar naman ni Schai.

 “ayieee!” sabay nangasar din ang magkakaibigan.

 “ay sus! Oo naman. kiss ko?” paglalambing ni Aki.

 “oy, tama na nga yan kayo talaga oh. Rose, puntahan mo na muna si Arkin.” ayon naman kay Carlo.

Habang papalapit si Rose kay Arkin...

 “oh, baka ma-late ka pa sa flight mo.” agad na bati ni Arkin kay Rose. Bigla namang napa-atras si Rose.

 “‘Kin, maniwala ka, hindi ko din alam na ngayon na ang alis ko, akala ko next week pa. (hindi pinapansin ni Arkin si Rose; mas lalo pang napaluha si Rose) Arkin, I’m sorry. Hindi ko alam na aabot tayo sa gani-”

 “iiwan mo rin pala ako, kami, kami nang mga kaibigan mo.” tanging nasagot ni Arkin.

 “Arkin, alam mong kahit kailan, hindi ito ang ginusto ko. at saka, ano na bang nangyari sa promise mo? di ba nagpromise ka sa’kin na hihintayin mo ko? ganun nalang ba kadali na balewalain yung pangakong yun? Arkin, sa pangako mong yun, alam ng Diyos dun lang ako kumakapit, dun lang. dahil gusto ko pag-uwi ko, nandyan ka pa rin. Babalik ako, tutuparin ko yung pangakong babalik ako. pero kung, hindi mo na talaga ako kayang hintayin. Okay lang, maiinitindihan ko.” sabay nagpunas ng luha si Rose.

 “Rose, it’s time to go.” ayon sa mommy ni Rose.

Paalis na sana si Rose nang biglang hinila ni Arkin ang kamay nito at niyakap.

 “hindi. kahit kailan hinding hindi ko babalewalain yung pangako ko sa’yong hihintayin kita. Kahit na gaano ka pa katagal mawala, hihintayin pa rin kita.”

“‘Kin, mamimiss kita, sobra. Ingat ka ah?”

“mas mag-iingat ka. mahal na mahal na mahal kita. Kahit hindi tayo.”

“mahal na mahal na mahal din kita. Kahit na hindi tayo.” pangiting sagot naman ni Rose at niyakap si Arkin. Lumapit naman si Rose sa mga kaibigan.

“guys, this is it, sobrang mamimiss ko kayong lahat. mag-iingat kayo ah? I’ll be back soon.” bati ni Rose.

“aww, group hug!” yaya ni Joanna.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon