The next day...
Maagang pumasok si Angellie, siya palang ang nasa classroom kaya nagpasya muna siyang magstay sa hagdan ng bigla itong nagulat ng may bumulaga sa kanyang 3 white roses...
“Good morning!” sabay bati ni MJ.
“ginulat mo naman ako. Good morning din!” bati ni Angellie sabay kinuha yung roses. “and thank you dito.”
“happy monthsarry!” bati ni MJ sa kanya sabay ngiti. Gulat na gulat si Angellie.
“nakalimutan mo no? hmm, okay lang.” sagot ni MJ with a half smile. Bigla namang niyakap ni Angellie si MJ.
“sorry, sorry talaga. madami lang kasi akong iniisip ngayon eh.” ayon kay Angellie na nakayakap pa rin kay MJ.
Bigla namang hinarap ni MJ sa kanya si Angellie. “ano ka ba, okay lang yun.” sagot nito.
“promise! Next time, babawi ako, marami lang kasi akong iniisip ngayon.”
“hmm, ano naman yon? May problema ka ba? baka matulungan kita.”
“ah, wala wala. Okay na, naayos ko na siya.” sabi ni Angellie.
“ah, okay. sige, mamaya watch tayo ng movie. Sige, una na ko.” sabay kiss ni MJ sa noo ni Angellie at umalis.
Sa Canteen...
Hindi magkasabay kumain ang mga girls at boys...
Habang nagkkwentuhan sina Joanna, Nadine and Schai, si Angellie nakatingin lang sa kawalan.
“Gel? are you okay?” curious na tanong ni Schai.
“ha? uhmm, yeah yeah. Bakit mo naman natanong?” gulat na sagot ni Angellie.
“kanina ka pa kasi dyan tulala eh. okay ka lang ba talaga?” tanong ulit ni Schai.
“oo nga, kanina ka pa tulala, hindi mo pa ginagalaw yang food mo, is there a problem?” tanong naman ni Nadine.
“you know what Gel? hindi masamang magshare.” Sabay ngiti ni Schai para gumaan ang loob ni Angellie.
“maybe we can help you.” sagot naman ni Joanna.
“hmm, ewan ko ba girls, parang sobrang disoriented ko these past few days.”
“dahil ba sa nalaman mo?” tanong ni Nadine na ikinagulat ni Schai at Joanna.
“ano yung nalaman mo?” tanong ni Joanna.
“may kinuwento sa’kin si Angellie, about sa ex niya.” Sagot ni Nadine.
“ha? ano naman yun?” tanong ni Schai.
“nakikipagbalikan sa’kin.” sagot ni Angellie sabay yuko nito.
“whaat?!” napatayo si Schai sa sobrang gulat.
“alam na ba ‘to ni Meljohn?” tanong ni Joanna.
“wag! wag niyong sasabihin sa kanya ‘to.” Takot na sagot ni Angellie.
