Chapter 47: Schai-Drian?

27 0 0
                                    

The next day...

Knock knock knock!!!

 “Schai? Schai? papasok na ako ah?” bati ng Ante Baeng ni Schai habang papasok sa kwarto nito.

 “nako Schai! tanghali na! gumising ka na dyan! Kanina ka pa hinihintay ni Rico sa baba, mallate na kayo niyan!”

 “Ante, anong oras na po ba?” tanong ni Schai habang naguunat pa ito.

 “7o’clock na.” pagkarinig ni Schai sa oras na sinabi ng tita niya, agad siyang nagpanic at dumiretso agad sa banyo para maligo.

After 20 mins nang pagaayos...

“ang bilis mo naman.” bati ni Rico.

“ha? nangaasar ka ba? late na kaya tayo. sorry ah, nalate kasi ako nang gising eh. tara na. nasaan na si kuya driver?” sagot ni Schai.

“good morning Schai, alis na ba tayo?” bati ng driver nila Schai.

“oo kuya, nako sorry po, late na ko nagising.”

 “okay lang, hindi naman masyadong matraffic eh.”

Habang nasa biyahe...

“Schai, nakagawa ka na-” nakita ni Rico na hindi nakikinig si Schai sa kanya. “Schai? ui Schirin!”

“ha? ahmm, ano yun?”

 “okay ka lang ba? para kasing wala ka sa sarili mo eh.” pagaalalang tanong ni Rico.

“okay lang ako, ano nga pala ulit yung sinasabi mo?”

“ang sabi ko kung nakagawa ka na ng assignment sa Algebra?”

“ha?! hala! meron ba? OMG! I forgot! (sabay palo ni Schai sa noo niya)”

“hey hey, (at kinuha ni Rico ang kamay ni Schai) chill, papakopyahin nalang kita.” With matching smile.

“talaga? nako Rico, thank you ah. thank you talaga. buti nalang nandyan ka. haay, ewan ko ba kung bakit parang ang disoriented ko ngayon.” Sabay tingin ni Schai sa bintana ng sasakyan, minamasdan ang mga nadadaanan nilang lugar.

“hmm, may nangyari ba sa inyo ni Aki?” seryosong tanong ni Rico na ikinagulat naman ni Schai.

“ha? uhm, a-”

“dahil ba sa nangyari kahapon sa library?” tanong pa ulit ni Rico.

“nako hindi, sa totoo nga, hindi ko din alam kung galit ba siya sa’kin or kung anong problema niya eh. hindi kasi siya nagpaparamdam kagabi. Pero, baka wala lang siyang load, or busy.” Pangiti namang sinabi ni Schai.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon