Chapter 48: Nadine's Realization

33 1 0
                                    

Habang naguusap usap ang mga girls...

“haha! Beauty and Butter nalang! parang feel kong magrelax ngayon e-” naputol ang sasabihin ni Nadine.

“Nadine.” napaharap si Nadine para tignan kung sino ang tumawag sa kanya.

“Nadz, lapitan mo na.” ayon kay Joanna na nakitang nagaalangan si Nadine na lapitan si AJ. Lumapit nalang tuloy si AJ sa kanila.

“uhmm, pinapasabi ni Schai na hintayin niyo daw siya. pumunta lang siya saglit sa CR.” Nakita ni AJ na nakatingin lang sa kanya si Nadine. “uhmm Nadine, (hinawakan ni AJ ang kamay ni Nadine) pwede ba tayong mag usap? Kahit sandali lang please?” ay ni AJ na ikinagulat ni Nadine.

“ahh Nadz, puntahan lang namin si Schai sa CR ah? sige AJ, maiwan na muna namin kayo. Kita nalang tayo mamaya.” Sagot naman ni Angellie.

Sa CR...

“Schai?” pagtawag ni Joanna.

“Schai andito ka ba?” pagtawag naman ni Angellie. Lumabas naman agad si Schai sa cubicle.

“oh, magc-cr din kayo?” bati ni Schai.

“sabi kasi ni AJ andito ka daw. (nakitang namamaga ang mga mata ni Schai) Schai? umiyak ka ba?” sabay hawak ni Joanna sa mukha ni Schai.

“ha? ahh wala to.” Pangiting sinabi ni Schai, pero halatang halata na kailangan lang niyang itago ang lungkot niya.

“Schai, ngayon ka pa ba magsisinungaling? Dali na. spill it.” Pagpupumilit naman ni Angellie.

Sa Classroom...

“Aila, nakita niyo ba si Nadine?” pagtatanong ni Melmar sa kaklase.

“ha? hindi eh, hinahanap ko nga din siya para sa attendance eh.” sagot naman ni Aila.

“sige, thank you.” Bati ni MM at lumakad na palayo, nakita naman siya nila Carlo.

“MM! (sabay akbay ni Carlo kay Melmar) bro tara na! nasaan na sila Joanna?”

“hindi ko nga alam eh, kasama ba nila si Nadine?”

“ayiee! hinahanap oh! nakita ko siya kanina kasama si AJ, pababa sila.” sagot naman ni Caleb.

“ganun ba? sige, thanks bro. kita nalang tayo mamaya.” Sabay alis ni Melmar.

“oh, ba’t nagmamadali yun?” tanong naman ni Aki na kararating lang.

“hindi din namin alam eh, bigla nalang nagmamadali. Teka, sasama ka ba sa’min? ay syempre sasama ka, kasi kasama si Schai.” pangaasar naman ni Carlo.

“sus! Yan pang si Schai at si Aki paghihiwalayin mo.” pangaasar din ni Kiko.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon