Habang pabalik na si Schai sa bahay nila...
RRRRRRRIIIINNGGGGGGG RRRIIIIINGGGGGGGG!!
“Hello? Nadine, napatawag ka?”
“Hello Schai? nasaan ka ngayon?”
“pabalik na ng bahay, kahahatid lang namin kay Rico, bakit?”
“punta ka dito sa bahay nila MJ, as in now na. may gustong kumausap sa’yo.”
“ha? sino? Nadz kung si-”
“don’t worry, hindi siya. basta pumunta ka nalang dito ngayon, okay? hihintayin ka namin. sige, bye!”
“bye. Uhh Kuya? Pahatid naman po muna ako sa bahay nila MJ, thank you.”
Habang papunta na sila Arkin at Hideaki sa bahay nila MJ..
“ba’t parang biglaan naman ata itong pagtatawag nila MM?” curious na tanong ni Arkin.
“eh siguro, namiss nilang magkasama sama tayo. at saka, isa pa, gusto ko na din makausap si Schai no. kaya okay narin tong plano nila.” ayon naman kay Aki.
“eh paano pag hindi pumunta si Schai?”
“ha? eh di ano, uhmm.” Hindi makasagot ng maayos si Aki.
“sige nga. ano?”
“eh teka! Bakit ka nambabara?! Ayan ka na naman eh! malay mo nandyan siya, wag ka nga masyado nega.” Inis na sagot ni Aki.
“haha! pikon ka talaga eh no? ikaw talaga, tara na nga.” habang papasok na si Arkin sa pintuan.
“oh Arkin! guys! andito na sila Arkin!” tawag atensyon naman ni MJ sa iba pa nilang mga kasama.
“Arkin! halika dali!” pagtawag ni Carlo kay Arkin sabay hila nito papuntang living room.
“anong nangyari dun?” gulat na tanong ni Aki kay MJ.
“nandyan na si Rose.” Pangiting sagot naman ni MJ.
“talaga?!”
Sa living room...
“pikit mo muna mga mata mo.”
“ha? bakit pa? teka teka teka, ano bang meron?” curious na tanong ni Arkin na medyo kinakabahan na.
“basta! May game tayo na gagawin! Surprise ‘to pag nahulaan mo. Kaya wag ka nang KJ okay?” sabi naman ni Kiko.
“oo na, sige na nga.”
“ganito yung mangyayari, pipiringan ka namin, tapos, guessing game tayo, huhulaan mo kung sino yung mahahawakan mo, hanggang mukha lang, okay? pagnahulaan mo kung kaninong mukha yung nahawakan mo, may prize ka sa’min.” natatawang page-explain ni MM.