Schai’s room...
Habang nanunuod si Schai ng TV..
KKKNNOOOOOOCCCKKKKK KKKNNNNNNOOOOOCCCCKKKK!
“pasok.”
“Schai, anak?” pagtawag ng mommy ni Schai.
“ma, pasok po kayo.” Sagot naman ni Schai na nagpupunas ng luha.
“anak, umiiyak ka ba?”
“nakakaiyak po kasi ‘tong pinapanuod ko eh.” pangiting sagot naman ni Schai.
“nakakaiyak, eh hindi ba cartoons yang pinapanuod mo? at saka, Little Mermaid na naman? hindi ba ilang ulit mo nang pinapanuod yan? hindi ka pa ba nagsasawa dyan?”
“mama naman, hindi pa rin, alam niyo naman ako.”
“hmm, eh bakit ka umiiyak? May nangyari na naman ba?”
“wala naman po.” nakayukong pagsagot ni Schai.
“Mahal mo talaga siya ano?”
“Ma kasi, naguguluhan ako eh, bakit siya nagiging possessive masyado. Ngayon feeling ko, parang ayoko na, gusto ko yung ako lang muna.” mangiyak-ngiyak na sagot ni Schai. “Ngayon alam ko na yung feeling ng magka-boyfriend. And alam ko na rin kung bakit hindi niyo ko pinapayagan na magkaroon dati.” Napayakap naman si Schai sa mommy niya. “Ma, anong mangyayari kapag sinabi ko sa inyo na ayoko munang magpakasal kay Aki?”
“anak, that’s what I need to tell you. Kaya ako napauwi dito ng wala sa oras. Well kasi, nagkaroon ng problema sa Financial Manager ng parents ni Aki. (nanlaki ang mata ni Schai sa ibinalita ng mommy niya.) tama ang nadinig mo, so ngayon, hindi nila mahagilap yung may hawak ng pera nila Aki at nung business nila, so yung dad ni Aki, sinabi sa papa mo, at ayun, pinull off nila ang deal, kasama na rin dun yung arrange marriage niyo.”
“what?!”
“Pero, don’t worry, we don’t have nothing against Hideaki’s family naman, kaya okay lang naman sa’min ng papa mo na maging kayo. Since we’ve known his family for a long time.”
“pero ma, alam na ba ni Aki ang about dito?”
“I don’t know. Siguro ngayon kausap na niya ang Tita Christy mo.”
“ano kayang magiging reaction ni Aki?”
“siguro disappointed at the same time masakit para sa kanya. Alam mo, mahal ka talaga niya, I can see it in his eyes. Lalo na kanina, how he looked at you. Sobrang guilty siya sa nangyari sa inyo. Ikaw naman kasi, bakit hindi mo pa siya patawarin?”
“ma, I need to teach him a lesson. Palagi nalang kaming nagaaway these past few days eh, the same reason, nagseselos. Nagsuntukan pa nga sila ni Rico eh.”
“what?! Rico? why?”
“opo, kasi nadinig niyang umamin si Rico sa’kin. ayun, nagsuntukan sila. Kaya nagdecide ako na magkaroon muna kami ng space.”
“si Rico talaga, hangang ngayon ikaw pa rin pala ang gusto.” Natatawang sagot ng mommy ni Schai.
“ha? paano niyo naman nasabi yan?”
“Schai, mga bata palang kayo, crush ka na ni Rico. tsk tsk tsk! hanggang ngayon pa rin pala, gusto ka pa rin non.”
“well, alam naman niya na ipinagkasundo niyo na ako kay Aki. na, wala na rin pala.” Disappointed na sagot ni Schai. “uhmm, sige mama, matutulog na po ako. goodnight! I love you!” at niyakap at hinalikan na ni Schai ang mommy niya.
“sige, matulog ka na, tommorow may immeet pa pala akong mga clients na gustong maginvest din sa business natin. Sige anak, matulog ka na ha? tama na yang panunuod mo ng cartoons.” At lumabas na ang mommy niya sa kwarto.
The next day...
Habang pababa si Schai sa hagdan, saktong nakasalubong niya si Aki na paakyat naman..
“Schai-”
“Aki.” parehas silang napahinto.
“uhmm, nakausap ko na si Rico kagabi, nag-sorry na ko sa ginawa ko sa kanya.”
“ha? ah good.” Tanging nasagot lang ni Schai.
“at gusto ko rin sanang mag-sorry sa’yo. Sa mga nagawa ko, sa mga pasakit na ibinigay ko. sorry kung nahihirapan ka na sa’kin. sorry kung nagiging makasarili ako, dahil palagi akong nagseselos. Hayaan mo, hindi na ako mangungulit sa’yo, hindi na ako kailanman magseselos, lalo na’t wala na kong karapatan.” Maluha-luhang paga-apologize ni Aki, si Schai naman ay umiiyak na din.
Paakyat si Nadine sa hagdan ng napatigil siya sa kanyang narinig.
“natatakot lang naman kasi ako na mamaya maagaw ka ng iba sa’kin. natatakot ako na mamaya, kung kelan ipapakasal na tayo, saka ka pa makahanap ng iba. Pero ngayon, na-realize ko na hindi ka man nakahanap ng iba, hindi na rin pala tayo ipapakasal. Wala na pala yung kasunduan ng mga magulang natin. Kaya malaya ka na.” sapilitang pag-ngiti ni Aki na umiiyak at papaalis na.
“Malayang malaya na.” pabulong pang dagdag ni Aki habang naglalakad papalayo kay Schai.
Nagmadali naman si Nadine na nagtago upang hindi siya makita ng dalawa.
(nasa isip ni Nadine: “Yung kasunduan ng magulang nila Aki at Schai ay yung ipakasal sila?!”)
