Playground..
“Schai, tama na.” pagcocomfort ni Angellie sa kaibigan.
“di ba ito naman yung ginusto mo? yung mabigyan ka ng space.” Pagtatanong ni Joanna.
“humingi nga ako ng space, pero hindi ko naman hiningi sa kanya na bumitaw siya.” patuloy pa rin ang pag-iyak ni Schai.
“siguro dahil sa hindi na natuloy yung kasunduan ng mga magulang niyo, kaya nagpasya si Aki na makipaghiwalay na sa’yo? kasi di ba parang walang kwenta na rin yung relationship na ipinaglalaban niyo? Dahil wala na rin yung parang pinaguugatan. Gets?” nadulas na sagot naman ni Nadine.
“teka, papaano mo nalaman yung about sa kasunduan?!” laking gulat na pagtatanong ni Schai.
“Schai sorry, yung nasa Cafeteria kasi tayo nung isang isang araw, naintindihan ko yung Japanese na sinabi ni Aki, nabanggit niya yung about sa kasunduan ng magulang niyo, tapos kanina, hindi ko sinasadyang mag-eavesdrop sa pinaguusapan niyo. Na yung kasunduan ng mga magulang niyo, is yung pagpapakasal ninyo. Kaya nalaman ko. sorry!”
“okay lang yun, malalaman niyo din naman eh.”
“malalaman, eh kung hindi pa sinabi ngayon ni Nadine, hindi pa namin malalaman na may arrange marriage kayo ni Aki, tapos ngayon wala na palang kasalan na magaganap, paano pa namin malalaman?” Ayon naman kay Rose.
“ikaw talaga Rose, hayaan mo na. Schai, ang isipin nalang natin ngayon is kung paano na kayo ni Aki?”
Classroom..
“Aki, tama na bro.” pagcocomfort naman ni Caleb kay Aki.
“uyy Aki, tama na yan, nadidinig na yung pagsuntok mo sa kabilang classroom oh.” ayon naman kay Kiko.
Kadarating palang ni MM. “oh anong nangyari dyan kay Aki?”
“obvious ba, eh di sinusugatan ang kamay niya sa kasusuntok sa pader na wala namang kamalay-malay.” Sagot naman ni Arkin.
“Aki, umayos ka nga. tama na yan. hindi ka ba naaawa dyan sa kamay mo?” tanong ni MJ.
“oo nga, makakasulat ka pa kaya niyan mamaya?” tanong naman ni Carlo.
Maya maya lamang, tumigil na rin si Aki sa kasusuntok sa pader. Hingal na hingal at pawis na pawis na umupo sa lapag at yumuko.
“haay salamat, napagod ka rin.” Ayon naman kay Arkin na lumapit dun sa pader. “wow ha, mas gumanda yung pader nung sinuntok mo. gusto mo suntukin mo na rin yung iba pang parte, para pumantay?” pangaasar pa nito.
“uy Arkin, grabe ka naman.” natatawang sagot ni Kiko.
“bakit? ‘to kasing si Aki eh. ano bang problema bro?”
“wala na kami ni Schai.”
“what the?!”
“ha?!”
“bakit?!” iba ibang reactions ng mga boys, except AJ na absent.
At kinuwento ni Aki ang lahat simula sa pagkaka-Arrange Marriage nila ni Schai hanggang sa dahilan ng Break-up.
“aay, kaya naman pala.” Tanging nasagot ni Carlo.
“Masaya naman kami dati, hindi ko lang alam kung ano nang nangyari.” ayon naman kay Aki na sobrang disappointed.
“haay, paano mo ngayon yan sasabihin sa kanya?” tanong ni MJ.
“hindi ko pa alam, siguro bukas o kaya sa mismong araw nalang na yun.”
“nako, baka naman mabigla yun?” sagot naman ni Caleb.
“ehh bahala na, basta makapagpaalam ako sa kanya.”
Schai’s house..
“Schai, pumasok ka na dun sa loob, hinahanap ka ng mama mo, may kasamang bisita, lalaki, medyo pamilyar, kilala mo ata eh.” ayon sa Aunt ni Schai na kakabukas palang ng gate.
“ayy sige sige, thanks Ante Baeng.” Ayon kay Schai na papasok na sa bahay nila.
“ayan na pala siya eh. Schai, there’s someone I’d like you to meet. (lumapit si Schai sa mommy niya) Anak, this is-”
“AJ, andito ka? ba’t hindi ka pumasok kanina?”
“kilala mo siya?” gulat na tanong ng mommy niya.
“yes ma, kaklase ko siya and friend.”
“aah okay, so very good. At least hindi niyo na pala kailangan ng formal introduction. Anyway Schai, si AJ ang anak ng client ko. remember last night?sabi ko may im-meet ako na clients ko, na gustong mag-invest sa business natin?”
“aah, AJ talaga? hindi mo nakwento sa’kin yun ah!” pangaasar ni Schai kay AJ.
“ha? eh hindi din naman kayo nagtatanong eh.” pangiting sagot nalang ni AJ. “uhmm, sige po tita, mauna na po ako.”
“ha? agad? Why don’t you stay with us for dinner?”
“hindi na po, marami pa din po kasi akong naiwan na mga trabaho sa office ni daddy eh. sige po, thank you tita! Schai, mauna na ko. bye.”
“ay sige, ingat ka. bye!”