The next day…
Hindi pinapasok sa school si Schai ng parents niya…
“mom, saan ba kasi tayo pupunta?”
“basta anak, sa isang resort. May im-meet tayo.”
“hindi ba natin isasama sila Kirsten (sister ni Schai)? si Johann (brother ni Schai)?”
“haay nako Schirin, wag ka na munang tanong ng tanong, okay? basta mag-ready ka nalang, don’t worry dun ka na magpahinga.”
At around 5am in the morning, nakarating na din si Schai at ang parents niya sa destination. Medyo madilim pa non kaya hindi pa gaanong makita ni Schai kung nasaan talaga sila.
“anak, matulog ka na muna, mamaya gigisingin ka nalang namin at may ipapakilala kami sa’yo ng daddy mo.”
“yes mom.” Sagot naman ni Schai.
Pumunta na muna sila sa isang hotel room at nagpahinga na nga muna si Schai. After 2 hours, nagising na rin siya. Siya nalang ang mag-isa sa kwarto, kaya naisipan niyang lumabas para hanapin ang mommy at daddy niya.
“asaan na kaya sila?” sabi ni Schai sa sarili habang hinahanap pa rin niya ang kanyang magulang sa resort. hanggang nakita niya sila sa isang balsa (bahay na gawa sa kawayan na ang ilalim ay dagat or any body of water) na may kasamang dalawang kaibigan.
“Schai anak, andyan ka na pala. Halika dito, may ipapakilala ako sa’yo. ‘nak, meet your tita Christy.” Sabi ng kanyang ina.
“good morning po.”
“ah, ikaw na pala si Schai! hi hija! I’ve heard so much about you!” pangiting bati ng babae kay Schai.
“mare, ang ganda niya! Nako! Bagay na bagay sila ni-” naputol ang sasabihin ng babae ng bilang tinakpan ng mom ni Schai yung bibig nito.
“nako mare, hindi pa niya alam.” Explain ng mommy ni Schai. “Schai anak, mabuti pang puntahan mo na muna ang daddy mo. nandun siya.”
Pinuntahan naman ni Schai ang daddy niya.
“dad.”
“here she is. Schai, say good morning to your future father in law. (nanlaki ang mata ni Schai)” sabi ng kanyang ama.
“po?! Ah eh, good morning po.”
“good morning din hija. Napakabait na bata. Mamaya maya, dadating na din ang anak ko, makikilala mo na ang fiancé mo.” bati ng kaibigan ng daddy ni Schai.
“a- ano po? fiancé? Ahmm, teka, naguguluhan po ako.” Sagot ni Schai ng biglang dumating ang mom ni Schai at ang kaibigan nito.
“Schai anak, halika, may pag-uusapan tayo.” sabi ng mommy ni Schai.
Sa isang cottage…
“mom, can you please explain to me, ano yung father in law na sinasabi ni dad, pati yung mapapangasawa? Sinong mag-aasawa? Ako?! Mom! I’m only 16!”
“Schai anak, listen, ang tita at tito mo, na-meet namin sila ng dad mo sa Japan dahil may business trip kami doon, remember 5 years ago? Doon namin sila nakilala, at hanggang sa napagkasunduan namin na kapag umuwi sila dito sa Pilipinas, ipagkakasundo namin ang mga anak namin ng kasal. After 1 year, umuwi na nga sila dito, pero na-realize namin na masyado pa kayong bata noong mga panahon na yon. Kaya ngayon, this is the right time, na ma-meet mo na ang mapapangasawa mo. well, siguro after 3 to 4 years, dun na kayo magpapakasal, pero at this point of time, mas maganda kung iw-work muna natin ang relationship ninyo.
Biglang dumating ang tita Christy ni Schai.
“tama ang mommy mo Schai, don’t worry, mabait naman ang anak ko.” pangiting sabi nito. “nako, halika nga dito hija, (lumapit si Schai sa kanya at niyakap niya ito) nako, alam mo bang pangarap ko magka-anak ng isang babae? Hindi nga lang natupad pero siguro kapag naging kayo ng unico hijo ko, makakasama kita, at magbbonding tayo.” nakangiti niya itong sinabi na tila excited nga para kay Schai.
“Oh sige, maiwan ko muna kayo diyan.” At umalis na ang mommy ni Schai.
“uhmm, tita?”
“yes hija?”
“uhmm, ano pong pangalan ng anak niyo?” curious na tanong ni Schai.
“nako anak, ayaw ipasabi ng mommy mo eh. pero, ang alam ko, you both study in the same school.”
“talaga po?!” gulat na tanong ni Schai.
“oo!”
“ano nga po pala ang surname niyo?”
“nako mare! Wag mong sabihin!” sabat naman bigla ng mommy ni Schai.
“mommy naman!”
“surprise nga kung sino ang mapapangasawa mo.” paliwanag ng mommy ni Schai sa kanya.
“mommy talaga. Sige po tita, hmm, initials po niya?”
“initials niya? Hmm, basta.” Pangiting sinabi ni tita Christy.
“parang ang hirap naman po nun tita.” Natatawang sabi ni Schai.
“don’t worry Schirin, makikilala mo din siya.”
Lumabas na sila ng cottage at sakto namang nag-ring ang phone ni tita Christy.
“hello? Ay talaga? Nasaan ka na? oh sige, bye.”
“oh mare, siya na ba yon?” tanong ng mommy ni Schai.
“oo mare, andito na daw siya.” Sagot naman ni tita Christy na tila may hinahanap.
(nasa isip ni Schai: “nako, anong gagawin ko? Andito na nga daw yung taong yun. Basta, kahit anong mangyari, hinding hindi ko yun papakasalan! Si Aki lang ang gusto ko, siya lang, siya lang ang magiging laman ng puso ko, wala ng iba.”)
“ah, mommy, tita? Mag-iikot ikot po muna ako, okay lang po ba?”
“oh sige hija.”
“oh sige anak, don’t be too far okay? mamaya maya, mammeet mo na rin siya.” Pangiting sabi ng mommy niya.
Habang naglilibot libot si Schai, napatigil siya sa isang mini fish pond. dun muna siya nag-isip isip. Hanggang sa paglingon niya sa left side niya, medyo malayo, may nakita siyang lalaki na parang 17-19 years old ang itsura, medyo katamtaman ang kulay, clean cut ang buhok at medyo may katangkaran pa sa kanya.
(nasa isip ni Schai: “oh my god! Baka siya na nga yun! Nako, kailangan maka-alis na ko dito! Pero paano? Hindi ko nga alam tong lugar na ito. [naluluha na siya.] Hindi naman ako marunong pang mag-drive. Kailangan hindi niya ako makita.”)
“shocks, papunta na ata siya.” Paurong siyang naglalakad, hindi niya alam na may tao pala sa likod niya, muntikan na siyang matumba, mabuti nalang at may sumalo sa kanya.
“Schai?!” sabi ng lalaki.
