Chapter 38: Welcome

45 1 0
                                    

Habang nagllecture ang teacher nila...

“tignan niyo yung dalawa dun.” Sabi ni Caleb na tinuturo si Aki at Arkin na magkatabi na sobrang tahimik nakikinig lang sa teacher.

“oo nga, bakit nga ba wala sila Rose at Schai?” tanong ni Kiko.

“baka nag-usap sila Rose at Schai. Hahaha!” pabirong sagot naman ni AJ.

“oo tama! na wag pumasok para malungkot yung dalawa. Hahaha! well done girls!” Sagot naman ni MJ.

“hoy kayo ah, anong para malungkot kayo dyan? Kayo talaga.” tanong ni Aki na kanina pa pala nakikinig sa mga pinaguusapan ng mga boys.

“ito talagang si Aki oh. Teka nga pre, nasaan si Schai? bakit absent?  tanong ni MM.

“ha? hindi ko alam, hindi siya nagrereply sa mga texts ko eh, siguro wala na namang load, pero dadaanan ko siya mamaya sa house nila.” Sagot ni Aki.

“eh si Rose? Anong nangyari?” tanong ni Kiko.

“hindi nga din alam ni Arkin eh. nagulat nalang din siya absent si Rose.” Sagot ulit ni Aki.

After class...

Schai’s house...

“oh Hideaki.” Bati ng ante ni Schai.

“Ante Baeng, si Schai po?”

“si Schai? nako wala siya, umalis, may pinuntahan kasama si Tintin at Johann, bakit, hindi mo alam?”

“po? hindi po. bakit po saan daw ba sila pumunta?”

“sa airport ang alam ko, biglaan nga eh, kaninang umaga kasi papasok na sana si Schai sa school ng may tumawag sa kanya, ang sabi niya hindi na daw siya papasok at may pupuntahan nga daw sa airport. Ganito nalang, patawagin ko nalang siya sa’yo pag nakauwi na siya, siguro wala na namang load yun kaya hindi makareply sa’yo.”

“oo nga po eh. sige Ante, mauuna na po ako. Harigatou Ante!” at umalis na nga si Aki.

The next day...

“hello!” bati ni Schai sa magkakaibigan. Si Aki naman, walang imik.

“Schai! okay ka na ba?” tanong ni Nadine.

“ha? oo naman.”

“eh bakit ka nag-absent?” tanong ni Angellie.

“basta, long story. Mamaya ikkwento ko sa inyo.” Pangiting sagot naman ni Schai na napalingon kay Aki.

Umupo si Schai sa tabi ni Aki.

“ui.” bati ni Schai.

“oh? buhay ka pa pala.” badtrip na sagot ni Aki.

“ha? aww. grabe ka naman, siyempre.”

“kamusta naman yung araw mo kahapon na hindi mo man lang ako tinawagan o tinext?” tanong ulit ni Aki.

“ha? ahmm, sorry. Hindi ko kasi mahanap yung phone ko eh. tsaka, may sinundo kasi ako kahapon, mamaya malalaman mo kung sino.” pangiting sagot naman ni Schai. hindi naman kumibo si Aki.

“uy babe, wag ka nang magalit please? sorry na okay? hmm, namiss mo ko no?” pangaasar ni Schai.

“tigil tigilan mo ako ha? paano kita mamimiss kung lagi ka namang nasa isip ko?”

“hahaha! ayiieee. sorry na. (kinikiliti ni Schai si Aki) ui.”

“ui! Haha! tama na! oo na babe! sige na! tama na! hahaha! (tinigil ni Schai ang pangingiliti) basta, wag mo nang uulitin next time. Masyado mo kaya akong pinagalala.” Sagot ni Aki.

“oo hindi na, promise! biglaan din kasi yun eh.”

“bakit? ano ba kasi yung biglaan na yun?” naputol yung itatanong ni Aki ng dumating ang teacher nila. agad namang bumalik si Schai sa tamang upuan niya.

“okay class, you have a new classmate, he’s name is Federico Dela Paz. He came all the way from U.S. please hijo, introduce yourself.”

“hello, I’m Federico Dela Paz, but you can call me Rico for short.” Nagulat si Aki ng marinig ang sinabi ni Rico.

“ha?!” gulat na sinabi ni Aki.

“oh, bro, anong nangyari sa’yo?” tanong ni Arkin.

“siya- siya yung kababata ni Schai!”

“oh, eh bakit parang gulat na gulat ka?” tanong naman ni Carlo.

“ha? (biglang bumalik sa katinuan si Aki) ahmm, nagulat ba ko?”

“sus! Ewan ko sa’yo.” sagot ulit ni Arkin.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon