Boys’ CR...
Nagulat ang lahat ng makita si Aki at Rico na nagsusuntukan at parehas na itong duguan.
“Aki! Rico! Ba’t kayo nagaaway?! stop it, both of you!” sigaw ni Schai na naiiyak na.
“guys! please! tumigil na kayo!” pagsigaw naman ni Nadine.
“MJ, awatin niyo sila!” pagsigaw naman ni Angellie. Dali daling inawat nila MJ at Arkin ang dalawa.
“Aki! Rico! ano ba! tama na yan!” sigaw pa ni Schai.
“gago ka Rico! nakita’t narinig ko yung ginawa mo kanina sa playground! Bakit si Schai pa?! bakit?!” pagsigaw ni Aki na galit na galit.
“Sinasabi ko lang naman yung totoo Aki! bakit?! nagseselos ka ba ha?! nagseselos ka?! mas matagal na niya kong nakasama, Aki! mas matagal pa kesa sa’yo!” sagot naman ni Rico na galit na galit rin.
“tama na ano ba!” pagaawat ni Schai sa gitna ng dalawa. “pwede ba tumigil na kayo!” pagmamakaawa pa ni Schai hanggang sa dumating ang Dean.
“anong kaguluhan ang nangyayari dito?” tawag atensyon ng Dean nila na ikinatahimik ng lahat.
“Mr. Torio & Mr. Dela Paz, sumunod kayo sa’kin.” at biglang umalis ang dean kasama ang dalawa.
“Carlo, ano bang nangyari?” tanong ni Joanna na lumapit kay Carlo.
“I don’t know, ang bilis ng pangyayari eh.” sagot naman ni Carlo na gulat na gulat pa rin sa mga nangyari.
“paano niya makikita, eh naghihilamos yan ng magsapakan yung dalawa.” Sagot naman ni Arkin.
“nakita mo ba?” tanong ni Nadine kay MM.
“pagpasok kasi namin kanina dito wala pang tao, si Carlo naghihilamos, si Arkin at ako jumingle, si Aki lang yung nasa labas hinihintay kami. tapos ayun, narinig ko si Aki at Rico na nagsisigawan, kaya lumabas agad ako sa cubicle at nakita kong nagsasapakan na yung dalawa.” pagpapaliwanag naman ni MM.
“this is all my fault.” Naiiyak na sinabi ni Schai.
“Schai, ano ba kasing nangyari dun sa sinasabi ni Aki? yung sa playground?” pagtatanong ni AJ na kino-comfort si Schai.
“kinausap ako ni Rico, yung nararamdaman niya para sa’kin, simula noong mga bata palang kami, gusto na niya ko. hin- hindi ko naman alam na maririnig lahat ni Aki yon. At saka, ipinaliwanag ko naman na kay Rico na hanggang kaibigan lang talaga ang turing ko sa kanya.” Page-explain ni Schai.
“kelan nangyari yon?” tanong naman ni MJ.
“kaninang umaga, before magstart yung class.”
“kaya pala, galit na galit si Aki na pumasok sa room. Tinatanong ko siya, pero pinagtabuyan niya ko.” sagot naman ni Arkin.
“guys, please help me na pagbatiin sila. please?” pagmamakaawa ni Schai.
“oo naman, tutulungan ka namin.” sagot ng magkakaibigan kay Schai.
“pero Schai, ano nang gagawin mo kay Aki? mukhang siya yung nagsimula ng gulo eh.” tanong naman ni Carlo.
“hindi mo naman nakita ah.” pangaasar naman ni Joanna.
“mas mabuti pang, hintayin nalang muna natin ang sasabihin ng Dean sa kanila.” Ayon naman kay MM.
“oo nga. grabe, bakit ngayon pa nangyari ‘to, kung kailan birthday ni Rose.” Sagot naman ni Arkin na ikinagulat ng lahat.
“OMG! Nakalimutan ko, ngayon nga pala birthday niya!” sabi naman ni Schai na sobrang problemado pa rin.
“Nabati ko siya kaninang morning sa facebook.” Sagot naman ni Kiko.