“guys! ano ginagawa niyo pa dyan?” taong ni Aki ng makitang nakatingin sa kanya ang magbabarkada except Schai.
“hinihintay kasi namin kayong matapos eh. di ba guys?” panga-asar naman ni MJ.
“ayiieee!!!” asar naman ng lahat.
“bakit mo naman siya iniwan doon?” dagdag pa ni Arkin.
“oo nga.” sabi naman ng mga girls.
“kayo talaga. Kukuha pa kasi ako ng sushi.”
“ang takaw mo talaga. sige na, mauupo na kami.” panga-asar naman ni AJ.
Nauna nang maupo ang magbabarkada except kay Aki at Arkin.
Habang kumukuha pa sila ng sushi ni Aki…
“yiieeh!”
“yiieeh ka dyan.” Inis naman na sagot ni Aki.
“oh bakit? Ano bang nangyari? Ibig sabihin, wala ng date part 2?” naka-sad face na tanong ni Arkin.
“ha? part 2?! Ano yun?”
“date! Second date niyo.”
“ah. wala na. may iba siya gusto.”
“ha?”
“sabi ko may iba siya gusto, ano ka ba, bingi bingi ka ba?”
“haay nako broken hearted, tara na nga, baka maubos pa yung sushi sashimi siomai siopao wasabi nila dito dahil sa’yo.”
“siomai? Siopao?! Walang ganun sa Japan!”
“ewan ko sa’yo.” Iniwan na ni Arkin si Aki.
“Hoy Arkin! hintay! Di pa ko nakuha ng sauce!” patuloy pa rin ang paglalakad ni Arkin. naiwan si Aki.
kausap ni Aki ang sarili. “Iniwan ako. Tsk tsk! siomai? Siopao? Eh Chinese yun eh! pero, masarap din yun ah. makakuha nga.” at kumuha pa nga siya ng pagkain.
Habang papa-alis na ng resto…
“wait lang guys ah, CR muna kami ni Schai.” paalam ni Rose.
Sa CR…
“Schai! hoy, ikaw ha. anong nangyari kanina? Ang sweet niyo ni Hideaki ah. oh ano? Nanligaw na ba?”
“nanligaw?! Meganon?! Sus wala, okay? nag-uusap lang kami, just like what normal friends do, kamustahan. At kayo naman, aber? Bakit ang tagal niyo?”
“ha? eh, wala lang, pinagmamasdan namin kayo, (pakilig na sinabi ni Rosalie) so ano nga, nagparamdam na ba?” kinikilig na tanong ni Rose.
“ha? nagparamdam??? Siya??? eh mukha ngang ako pa yung nagparamdam eh!” malungkot na sinabi ni Schai.
“ha? e- eh bakit?”
“tinanong niya kung sino crush ko, ang sabi ko sa kanya hindi pa alam ng crush ko na crush ko siya. tapos binigyan niya tuloy ako ng advice para masabi ko sa crush ko na gusto ko siya. so sinabi ko sa kanya na crush ko siya, na- gusto ko siya.”
“oh tapos?”
“tapos ayaw ba namang maniwala na siya nga. sabi niya, sabihin ko daw sa crush ko yung mga sinabi ko sa kanya.”
“ganon?”
Napasandal si Schai sa isang wall sa CR, (which is malinis naman dahil hindi pangkaraniwang buffet resto yung pinagkainan nila.) kitang kita sa mukha niya ang panghihinayang. “haay, oo. kung alam lang niya na sinabi ko na.”
“nako Schai, okay lang yan! remember yung sinabi sa magazine, “don’t tell him directly, find other ways to say it.” Di ba?”
“hmm, alam mo tama ka dyan Rose. Basta, bahala na. (nagisip isip) hmm, alam ko na! di ba best friend sila ni Arkin?” excited na sinabi ni Schai.
“ha? oo, bakit?”
“di ba wala pa kayong official date ni Arkin, simula nung naging kayo?”
“ha? hindi kami!”
“okay, okay! M.U.! ay nako, eh sa pagiging mag-bf gf din naman ang uwi niyo eh. Anyways, di ba nga wala pa?”
“oo. so anong point mo?”
“hmm, iniisip ko kasi, may times na pag kasama si Arkin sa isang gala, kasama din si Aki. di ba?”
“ha? oo bakit? (napaisip din si Rose, pagtingin niya kay Schai, nakangiti ito sa kanya, nagaantay sa sagot nito) ay!!! Oo nga no! ang galing mo talaga!”
“di ba? hahaha! so ngayon, ang plano nalang natin is kung paano natin sasabihin na tayo lang ang gagala.”
“hmm, ako ng bahala.” Pangiti naman na sinabi ni Rose.
Fast forward…
Dismissal,hinatid ulit ni Arkin si Rose sa bahay nito…
Sa labas ng bahay ni Rose…
“Arkin, sure ka na ba talaga sa desisyon mo? alam mo, pwede ka pang umatras.”
“Rose, (hinawakan ang kamay ni Rose) gusto ko, pag naging tayo, legal. Hindi patago, kaya kailangan harapin ko sila, at saka kung patago man tayo darating din naman sa punto na kailangan ko rin silang harapin eh.”
“nako, oh sige na, halika na.”
Sa living room…
“mommy, Kuya Mark, Kuya Jeff, This is Arkin. Ahmm, (napatingin kay Arkin) he is a good friend of mine.”
“g- good evening po.” Kinakabahang bati ni Arkin.
“good evening din hijo. Maupo ka.” bati naman ng mom ni Rose.
“ay, thank you po.”
“anong sadya mo dito? Ang sabi nitong si Rose may hihilingin ka daw.” tanong naman ng panganay na kapatid ni Rose.
“ah opo. Gusto ko po kasi sanang-”
“ano hijo? Kahit anong hiling, basta wag lang manliligaw kay Rosalie ha.” nanlaki ang mga mata ni Arkin ng sabihin ito ng mommy ni Rose.
“mommy naman.” sabi naman ni Rose.
“bakit? Aba, bawal ka pang magpaligaw! Ke-bata bata mo pa! a-ano na nga pala ulit ang pinaguusapan natin hijo?”
“ho? Ah eh yung hiling ko po?”
“ah, oo nga pala. Oh ano ba iyon?”
“g-g-gusto ko po sana- sanang umuwi na. (tumayo na sa kinauupuan) thank you po sa time. Sige po, uuwi na po ako.” Sabay alis naman ni Arkin.
“t-teka, kadarating palang nun ah.” sagot naman ng Kuya Jeffrey ni Rose.
“What’s with that boy?” ayon sa kuya ni Rose.
“oh well, maybe his just nervous. Rose, wag ka nang umalis, kakain na din tayo ng dinner. Manang, pakihanda na po yung hapunan.” Sabi naman ng mommy ni Rose.
