Chapter 55: Space

29 0 0
                                    

Sa bahay ni Schai...

“AJ, pasok ka muna oh.” pagyaya ni Schai habang nasa gate na sila ng bahay nito.

“uhmm, hindi na, baka makaabala pa ko, and isa pa maggagabi na rin. Ayoko nga maabutan ng dilim, mamaya may mumu pa dyan sa tabi-tabi.” Pangaasar naman ni AJ.

“haha! sira! Ikaw talaga. pumasok ka na.”

“sige na nga, basta ba may pagkain eh, hindi joke lang. sige na mauuna na ko, okay lang ako. thank you na rin.” Pangiting sagot ni AJ.

“sige, thank you ulit ah? mag-iingat ka pag-uwi.”

“yes ma’am!” sabay salute ni AJ at umalis na rin.

“oh Schai, kanina pa kita tinatawagan sa cellphone mo, hindi kita ma-contact.” Ayon naman sa Ante ni Schai.

“ahh, nalowbatt po kasi ako eh.”

“nako, akala ko kung ano nang nangyari sa’yo. naunahan ka pa ni Rico umuwi.”

“nandito na si Rico?” gulat na tanong ni Schai.

“oo, kanina pa. pero teka, anong nangyari dun sa mukha niya? Bakit parang may pasa?”

“ha? ahmm, hindi ko po alam eh. (lie) sige Ante, akyat na ko.”

Schai’s room...

RRRIIIIINNNNGGGG RRRIIIIIINGGGG...

Nagulat si Schai nang makita ang pangalan ni Aki sa phone niya. Binuksan ni Schai ang telepono pero hindi ito nagsasalita.

“hello Schai? Schai I’m sorry.” Sabi ni Aki, ngunit hindi pa rin sumasagot ni Schai.

“alam kong naririnig mo ko. at alam ko ring galit ka sa’kin dahil sa nangyari kanina sa’min ni Rico. Kaya nga humihingi ako ng tawad sa’yo ngay-” naputol ang sasabihin ni Aki ng biglang binabaan siya ni Schai ng telepono. Napatingin si Aki sa bintana kung saan nandun ang kwarto ni Schai at dun niya nakitang nakadungaw ito at gulat na gulat, kaya naman tinakpan ni Schai ng kurtina ang bintana niya.

More than 2 hours ng naghihintay si Aki sa labas ng bahay nila Schai bago niya ito matawagan sa sobrang kaba. Nagulat nalang si Aki nang biglang magtext si Schai sa kanya.

“ayoko munang marinig ang boses mo, mas lalo lang akong nasasaktan, mas lalo lang akong nahihirapan. Sa ginawa mo, mas lalo mo lang ipinaramdam sa akin na hindi mahalaga sa’yo kung ano yung nararamdaman ko para sa’yo, mahal kita. Pero sana hindi mo na ginawa yun kay Rico, he’s one of my closest friends. Magkababata kami, inexpress lang naman niya yung nararamdaman niya eh. Kaya kahit na anong mangyari, kababata ko parin siya, pero hanggang dun nalang yun. Kasi ikaw at ikaw pa rin ang pipiliin ko. Pero sa tingin ko, mas okay kung bigyan muna natin ang isa’t isa ng space. Kasi paulit-ulit nalang e, lagi tayong naga-away dahil sa selos. Ganyan ka ba ka-walang tiwala sa'kin? Kung ngayon pa lang ganito na ang nangyayari sa'tin, paano pa kaya pag ikinasal na tayo? Please Aki, umuwi ka na.”

Pagkatapos mabasa ni Aki ang text ni Schai, naluluha na itong pumasok sa kotse at umuwi.

Rico’s room...

KNOCK KNOCK!

“pasok.”

“uhmm, Rico.” Tawag ni Schai.

“Sch- Schai, pasok ka. may kailangan ka?”

“ha? ah wala naman. gusto ko lang sana mag-sorry about dun sa nangyari kanina. Alam kong ako yung may kasalanan. Dahil sa’kin, nagaaway kayo ngayon ni Aki.”

“wala yun, hindi mo kasalanan. Kasalanan ko, sana pala hindi ko na inamin sa’yo na mahal kita, para hindi na niya narinig, at para hindi na kayo nag-away.” Mababang loob na paga-apologize ni Rico.

“no, ano ka ba, sa totoo lang, naiinis talaga ako sa ginawa niya sa’yo, bakit kailangan ka pa niyang laba- (nagulat si Schai ng makitang nagiimpake si Rico) teka, saan ka pupunta? Aalis ka na?” gulat na tanong ni Schai.

“mas okay na rin, habang maaga pa, tamang tama, pagdating ko dun, start palang ng pasukan.” Ayon naman kay Rico.

“ba- babalik ka ulit ng US? Dahil ba sa-”

“No. Well uhmm, my sister just called me, sabi niya nagkaroon daw ng problema si mama sa work niya sa LA, so I have to check on her. And, to stay with her as well.”

“or baka naman sa nasabi ko sa’yo kanina, kaya ka aalis?” malungkot na sinabi ni Schai.

“ano ka ba, hindi no. (sabay hawak niya sa both shoulders ni Schai na parang kino-comfort) okay lang sa’kin yun. In fact, nakwento na rin naman sa’kin ni Tita Marlyn yung about sa kasunduan ng parents niyo ni Hideaki eh.” pangiting sagot naman ni Rico.

“what? kelan mo pa nalaman?!”

“the other night lang. she was checking on you guys, she asked me kung kamusta na daw kayo ni Aki, kung nagiging good daw ba kayo, pati sila Kirsten and Johnny (Johann). Pero that’s okay, your secrets are safe with me.”

“haaay, si mama talaga. so kelan ka aalis?”

“after I finished packing my stuffs.” Pangaasar ni Rico, napatingin naman ng masama sa kanya si Schai.

“joke lang. tomorrow afternoon. Kasi in the morning, aayusin ko yung records ko sa school.” Dagdag pa nito.

“parang gustong gusto mo na nga umalis dito. Hmmp! Oh basta, hatid ka namin, okay? maghhalfday ako para mahatid kita.”

“sure! Oh sige na, magpahinga ka na.”

“yes Mr. Federico Cesar V. Dela Paz! Goodnight!” pangaasar ni Schai.

Marry Your DaughterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon