*kring kring*
*hikab*
What a nice day!!!! And I really feel na may magandang mangyayari ngayon. Kaya my positive vibes is now active!!!!!!
"Good morning Nick."
"Good morning din Aryanna. Si aira hindi pa ba siya nagigising?"
"Hayaan mo muna siya tulog mantika kasi yan."
"Segi maliligo muna ako."
"Ako din, salamat pala kasi dito mo kami pinatulog kagabi."
"Welcome. "
Pumunta na ako sa C.R para gawin ang morning rituals ko.
*after 45 mins*
Pagkatapos kong magbihis. Pinuntahan ko si Aira na natutulog."Ar gising na may klase pa tayo."
"Hmmm 5 mins pa."
"Bahala ka pag hindi ka gumising kakainin ko nalang yung parte mo sa baba."
"Ito naman joke lang babangon na ako."
"Segi magbihis kana magluluto lang ako sa baba."
"Segi thank you pala sa pagpayag na patulugin kami dito."
"Wc."
Bumaba na ako para makapagluto. Pumunta ako sa kusina at kinuha ang mga sangkap para sa adobo.
*cooking*
"Ang bango naman ng niluluto mo Nick."
"Gising kana pala Ken upo ka hintayin mo nalang tong niluluto ko malapit na akong matapos."
"Excited na akong matikman ang niluto mo amoy palang masarap na."
"Pagkain ka naman."
"Aray ang sakit nun." Sweet nilang tingnan. Nag batukan naman kasi sila sa harap ko.
"Tama na yan ito oh umupo na lang kayo kukuha lang ako ng kanin."
"Ikaw kasi eh."
"Hoy Aryanna Mendez wala akong ginawa."
"Takaw mo kasi."
"Anong sabi mo!!!"
"Hep hep tama na po yan kumain na lang kayo dyan." Umupo naman sila at kumuha ng pagkain.
"Good morning guys."
"Good morning too Aira At Ian. Si drake nasaan."
"Uy!! Hinahanap ayieeee." Ken
"Tinatanung ko lang naman kung nasaan siya eh."
"Ito naman joke lang nandun siya sa Head masters office pinatawag kaya wag kang mag alala."
"Hindi ako nag aalala nagtatanung lang Aish! Kumain na nga lang kayo." Hindi na nila ako kinulit pa at kumain na lang.
Pagkatapos naming kumain sina Ken at Ian na ang naghusga ng pinggan. Kami naman inayos na namin ang mga gamit namin. Habang inaayos ko ang gamit ko bigla na lang umilaw ang kwentas ko. Nagulat na lang ako ng lumabas ang isang babae sa kwentas ko.
"Si--no ka?"
"Wag kang matakot hindi kita sasaktan."
"Eh s--ino ka ba ka--si?"
"Ako ang gagabay sayo."
"Eh? Hehe baka nagkamali lang po kayo."
"Kailanman hindi ako nagkamali. At Malapit kanang mag labingwalo kaya ihahanda kita."
"Ihahanda para sa?"
"Malalaman mo din yan. Pero sa ngayon maghanda kana may pasok ka pa diba."
"Sandali lang!" Bigla na lang siya nawala may tatanungin pana sana ako sa kanya. Pero ano ang ibig sabihin niya hay ano ba yan gulo niya. Siguro magpapakita pa siya sa akin kaya sa susunod ko na lang siya tatanungin. Pero hindi pa rin mawala sa isip ko kung sino siya? Baka naman guardian Angel ko yun.
"Nick alis na tayo."
Pwede din namang teacher namin yun sabi niya gagabayin niya ako eh.
"Nick uy may klase pa tayo."
Baka naman may nang gogoodtime lang sa sakin.
"NICK ALIS NA TAYO!!"
"Ay palaka ano ba yan Aira."
"Tulaley lang kasi ang peg mo eh. Wag mong masyadong isipin si drake baka mamiss ka sige ka."
"HINDI KO INIISIP SI DRAKE NO!"
"Ok wag defensive wala kong wala may klase pa tayo kaya gora na."
"Eto na."
Lumabas na kaming tatlo at dumiretso na sa classroom namin. Mabuti na lang hindi kami na late.
"Good Morning class." Bigla namang dumating si sir. Kaya bumati din kami sa kanya
"Guys tama nga kayo gwapo ni sir." Kita mo tong si Aira makakilig wagas para siyang naiihi. Hmm weird san kaya parati pumupunta ang mga boys. Hindi ko nalang pinansin sina Aryanna at Aira na ngayon ay kilig na kilig at nakinig na lang kay sir.
"Ok guys topic natin ngayon ay about sa nangyari sa war between White And Dark Clan."
"So, nung naganap ang War sa pagitan ng White at Dark Clan. Hindi iyon inaasahan ng hari at reyna kaya marami sa mga kalahi natin ang namatay. At dahil na din dito napagpasyahan ng ibang taga Wircan na ipadala ang kanilang mga anak sa mundo ng mga tao dahil na papalibutan na ng mga warewolves ang lagusan papunta sa Enchanted cave." Bigla namang nagtaas ng kamay ang sa harap ko.
"Yes Mr."
"Sir matanong lang po. Sino po yung nag-aalaga sa kanila kung nakikipag laban po ang mga magulang nila?" Tama nga naman siya sino kaya ang nag-aalaga sa mga anak nila? Imposible naman kasing iwan nilang mag-isa ang anak nila wala pang kamuwang muwang yun.
"Magandang tanong, ang mga fairy ng mga magulang nila ang nagbantay sa kanila. Binigyan nila ito ng sagradong kwintas na tinatawag na oracle necklace para maging anyong tao ang mga fairy nila. At babalik lang ang kanilang anyo pag nakatungtung na sila ulit dito sa Wircan."
"Sir last question po san naman po kami tinago ng mga magulang namin?"
"Tinago kayo ng mga magulang niyo sa Enchanted Cave na sinabi ko kanina kasama niyo doon ang mga prinsipe at prinsesa. Pero karamihan sa inyo ay mga sanggol palang noon.
So wala na bang tanong?.... Good, magpapatuloy na ako. Yun na nga napagpasyahan ng ibang taga Wircan na ipadala kanilang sa mundo ng mga tao kasama na doon ang anak ng hari at reynang Evergreen dahil wala nang mahanap na ligtas nalugar ang reyna sa kanyang anak kasi napapalibutan na ng werewolves ang buong Wircan." Nagtaas ako ng kamay may tatanungin din ako kay sir eh.
"Yes Ms."
"Ah sir matanong lang po fairy din po ba ang nag-aalaga sa anak ng reyna ngayon?"
"Well hindi niya ito ipinaubaya sa fairy dahil pinaubaya niya ito sa guro niya upang habang nasa mundo sila ng mga tao matutunang kontrolin ng prinsesa ang kanyang kapangyarihan. "
*kring kring*
"Sayang tapos na ang klase natin. So bukas na tayo magkikita good bye class." Napaalam na kami kay sir. Nagligpit na ako ng gamit ko at tiningnan sina Aira at Aryanna kung tapos na din sila. Pero ang mga loka hindi siguro maka get over kay sir ayun kilig na kilig pa rin.
"Tapos niyo na bang pag pantasyahan si sir pwede na Siguro tayo umalis ano."
"My god Nick nakita ko na ang poreber ko kay sir." Naks maka poreber si Aira wagas.
"Alam mo aira si Ian ang forever mo dahil sa akin nakalaan si Sir hahaha." Grabe ang kamandag ni sir.
"Alam niyo wag na kayong mag away na dalawa hanapin na lang natin ang boys para makakain na tayo." So ayun nga umalis na kami para sa misyon namin na hanapin ang boys at syempre makakain na rin.........

YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasyNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????