Nagulat naman ako sa tanong nila. Ano naman yung sasabihin ko. Ha! Bahala na si Batman.
"Anong ibig niyong sabihin bakit ano ba ang meron samin ni drake?"
"Kasi kanina habang paalis na kami sinabihan ni Headmaster si drake na congrats daw sa inyong dalawa kaya tinatanung namin kung ano ang meron sa inyong dalawa ni drake." Bahala na si drake na sumuporta sa sasabihin ko ngayon.
"Ba't congrats? Hindi naman kami nanalo."
"Hayaan mo na balik na lang tayo sa dorm." Mabuti na lang hindi na sila nagtanung.
"Mauna na kayo punta muna ako sa C.R."
"Segi." Lumabas na ako at pumnta sa C.R Pero habang papunta ako biglang may tumawag sa akin nilingon ko kung sino pero wala naman. Hinayaan ko na lang yun at naglakad ulit pero may tumawag na naman. Nakakainis naman kasi sino ba yun. Tumakbo na lang ako.
*boogsh*
Bigla naman akong napaupo. Anak ng tinapa naman sakit ng puwet ko yan kasi hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko.
"Sorry po hindi ko po sinasadya pasensya po talaga." Tiningnan ko naman yung nakabangga ko. Nagkalat ang lahat ng libro niya.
"Ako nga dapat ang mag sorry sayo eh hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko." Bigla naman siyang tumayo at pinulot ang mga libro niya.
"Tulungan na kita"
"Salamat po."
"San kaba pupunta?"
"Hinahanap ko po kasi yung dorm ko kaso hindi ko mahanap."
"Ganon ba tulungan na kitang maghanap."
"Segi po."
"Wag ka nang mag po nakakatanda." Pakiramdam ko tuloy 81 na ako.
"Sorry." Ang hilig humingi ng tawad nito.
"Halika ka na hanapin na natin yung dorm mo." Binigay niya sa akin ang papel kung saan nakalagay yung dorm number niya. Hmmm dorm namin to dati ah sino kaya kasama niya.
"Alam ko to dito ako dati nag dorm. "
"Talaga"
"Oo kaya magteleport na lang tayo para madali." Lumapit ako sa kanya at sabay kaming nagteleport. Pagdating namin siya na yung bumukas. Namiss ko tong dorm ko kahit ilang araw palamg ako nawala.
"Wala ka bang kasama dito?"
"Wala eh."
"Ganon ba puntahan kita dito minsan para hindi ka malungkot."
"Segi po, ay sorry nakalimutan kong ayaw mong may po."
"Ok lang yun saka gusto kong makipag kaibigan sayo."
"Segi segi ako nga pala si Xyrene." Grabe hyper din pala ang isang to.
"Nick" nag shake hands kaming dalawa ang saya talaga pag may kaibigan ka.
"Hindi mo totoong pangalan yan no." Hala pano niya nalaman.
"Bakit mo naman nasabi na hindi ko totoong pangalan yan."
"Kasi kaya kong alamin kung totoo ang sinasabi mo o hindi."
"Ahhhhhh tama ka Nicklane talaga yung pangalan ko kaso pinalitan ni lola dahil wala daw dapat may makaalam ng totoong pangalan ko." Nakita ko naman na nagulat siya pero bumalik din sa dati iyon.
"Ganda nga ng pangalan mo eh. Matanong ko lang alam mo ba kung saan yung section ng Aerophods?"
"Classmate pala tayo."
![](https://img.wattpad.com/cover/75233783-288-k566675.jpg)
YOU ARE READING
Titanium Academy
FantasiNICKLANE IS JUST AN ORDINARY TEENAGER WHAT IF ONE DAY SHE WILL DISCOVER THAT THERE IS MAGICAL THING CAN SHE SURVIVE???????????