Chapter 21

453 16 0
                                    


Nick P.O.V

Ahmmmm sarap ng tulog ko!!!!! Teka lang paano ako napunta dito diba nasa mortal ako anyare. May nakita naman akong sulat sa mesa kaya kinuha ko iyon at binasa.

Dinala kita sa kwarto mo kagabi hindi na kita ginising dahil ang himbing ng tulog. At wag mo na ding alalahanin ang tita mo nagpapagaling na siya. Bisisita na lang tayo sa kanya sa susunod. Umalis na din kami nang maaga para sa training kaya mag-ingat ka. At isa pa pala masaya akong kasama ka kagabi.

Naalala ko naman yung kagabi ang saya niyang kausap nakakagaan ng loob. Pagkatapos kong basahin yun tumayo na ako at pumunta sa C.R

*after 45 mins*

Kinuha ko yung dragon ko sa isang maliit na basket may nakita kasi ako. Ilalagay ko muna to sa garden para makalaro din siya hindi naman siguro siya aalis doon. Pumunta muna ako sa labas saka ko pinakawalan ang dragon ko.

"Baby dragon dito ka lang muna ha wag kang aalis dito babalikan kita pagkatapos ng klase ko ok." Nagpapagulong gulong naman siya kaya hinayaan ko nalang hindi naman siguro siya aalis doon. Kaya pumasok na ako sa loob para kumain pagdating ko sa kusina may nakita akong isang papel kya binasa ko din ito.

GOOD MORNING NICK!!! ang lungkot naman ngayon kasi hindi ka namin kasama pero alam naman namin na magkikita pa tayo mamaya. NAgluto kami para sayo tikman mo na kung masarap pero kung hindi mo gusto kumain ka sa cafeteria bawala magpagutom ha. Oy nick aalis na kami nagmamadali kasi ang dalawang asungot dito ang tagal daw naming magsulat eh ang ikli pa nga eh tsk. Pero syempre gabi na kami uuwi at isa pa wag kang uuwi ng gabing gabi na ha wala kaya kami baka mapano ka yun lang we love you Nick babush!!!!!!

Na touch naman ako sa kanila kahit na yung sulat nila parang pupunta sila sa abroad. Di bale next time magbobonding ako kasama nila.

Umupo na ako at nagsimulang kumain.

* after 5 mins*

Pagkatapos kong kumain naghugas na ako saka nagtoothbrush. Kinuha ko na rin ang mga gamit ko at lumabas pupuntahan ko muna si xyrene baka nagalit yun dahil hindi ako nakapunta kahapon.
Pagdating ko sa kwarto niya kumatok muna ako.

"Nick ikaw pala halika ka pasok ka."

"Uhmm xyrene sorry pala hindi ako nakapunta dito kahapon."

"Hinintay nga kita pero ok lang yun may imoportante ka sigurong ginawa."

"Hehe salamat bait mo naman wag kang mag-alala tutulungan nalang kita sa paggawa ng potion natin."

"Wow salamat ha. Ay teka lang kukunin ko lang mga gamit ko sasabay ako sayo kung pwede lang."

"Segi hihintayin kita dito." Pumunta na siya sa kwarto niya. Paglabas niya sabay kaming pumunta sa classroom. Hindi din mawala na tinitingnan kami hindi ko alam na ganito pala kami kaganda hahaha ang hangin ko.

"Wag mo na silang pansinin." Pagdating namin ang iinagay nila hindi ba sila tatahimik.

"Don ka sa tabi ko umupo wala kasi ngayon ang katabi ko."

"Segi" umupo na kami. Biglang may pumasok kaya tumahik silang lahat anyare.

"Ako ngayon ang first subject niyo dahil may ipinagawa ang headmaster kay sir derick kaya tumayo na kayo dyan dahil may gagawin tayo." Lumabas na kaming lahat nagtataka lang ako bakit hindi sila nag-ingay.

Pumunta kami sa isang malawak na field ano kaya ang gagawin namin dito.

"Meron tayo ngayong activity. Dito masusubukan kung gaano kayo kagaling sa pakikipaglaban ng hindi ginagamit ang kapangyarihan niyo. Gagawan ko kayo ng arena sa loob nun meron kayong masasagupa na mga dark users. Ako mismo ang gumawa sa kanila pero wag kayong magpakampante dahil pwede nila kayong saktan at ang malala pa don pwede din kayo nilang patayin. At dahil isa sa rules na bawal ang pumatay dito sa school hindi mangyayari sa inyo yun kung hindi niyo na kaya iteteleport kayo papuntamg clinic Pero mayroong isang lugar kung saan nakatago ang mga weapons na gagamitin niyong panlaban. Pero kailangan niyo munang hanapin ito. At ang kailangan niyo lang gawin para matapos ang activity na ito ay hanapin ang anim na bagay na makikita sa lugar kung saan naroroon ang anim na elemento. Ang lugar na ito ay may nagbabantay na isa sa pinakadelikadong klase ng hayop matatalo lang ito kapag nasaksak mo siya kung saan ang kahinaan niya. Pagpasok niyo dito mayroon kayong makikita na anim na lagusan bawat lagusan ay nakatago ang bagay na hinahanap niyo kailangan niyo lang lampasan lahat ng pagsubok na ibibigay sa inyo. At kung sino ang makatapos ng activity na ito bibigyan kayo ng pagkakataong makasama ang hari at reyna ng wircan." Magiging exciting to!!!!!!!!




Titanium AcademyWhere stories live. Discover now